Mga Tuntunin at Kondisyon sa Paggamit ng MyFitnessPal

Petsa ng Paglalapat: Disyembre 18, 2020

Welcome sa MyFitnessPal. Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito sa Paggamit ang ilalapat at sasaklaw sa paggamit mo ng aming website at mobile application (ang “App”) at idinisenyo ang mga ito para gumawa ng isang positibong komunidad ng aming mga user na nakakasunod sa batas. Sa pamamagitan ng paggamit sa MyFitnessPal, sumasang-ayon ka sa lahat ng tuntunin at kondisyon sa ibaba.

Nag-aalok ang MyFitnessPal, Inc. at ang anumang successor entity (tinutukoy sa kabuuan ng dokumentong ito bilang “MyFitnessPal,” “kami” o “namin”) ng iba't ibang content at serbisyo sa pamamagitan ng website at App ng MyFitnessPal (sama-samang tinatawag na “Mga Serbisyo”).

NAGLALAMAN ANG MGA TUNTUNING ITO NG ISANG SUGNAY PARA SA MABISANG ARBITRASYON AT WAIVER NG CLASS ACTION SA SEKSYON 14. MAAAPEKTUHAN NG PROBISYONG ITO ANG MGA KARAPATAN MONG LUMUTAS NG MGA HINDI PAGKAKASUNDO SA MYFITNESSPAL AT DAPAT MO ITONG BASAHIN NANG MABUTI. KUNG PIPILIIN MONG MAGKAROON NG ACCOUNT O I-ACCESS O GAMITIN ANG MGA SERBISYO (GUMAWA KA MAN NG ACCOUNT SA AMIN O HINDI), NANGANGAHULUGAN ITO NG PAGSANG-AYON MO SA MGA TUNTUNING ITO AT SA AMING PATAKARAN SA PRIVACY, NA KASAMA SA MGA TUNTUNIN. KUNG HINDI KA SUMASANG-AYON SA ANUMANG BAHAGI NG MGA TUNTUNIN, HINDI MO PUWEDENG GAMITIN ANG AMING MGA SERBISYO.

Pakitandaan na ang mga buod na nakalagay sa mga may kulay na kahon sa itaas ng karamihan ng mga seksyon ay ibinibigay para mas padaliin ang pag-unawa sa Mga Tuntunin. Kung magkakaroon ng salungatan sa pagitan ng anumang buod at anumang seksyon ng Mga Tuntunin, ang Mga Tuntunin ang mananaig.

Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming Team ng Suporta kung mayroon kang anumang tanong o suhestyon.

1. Paggamit sa Mga Serbisyo at Iyong Account

1.1 Sino ang puwedeng gumamit sa Mga Serbisyo

Dapat ay 18 taong gulang ka na pataas para magamit ang Mga Serbisyo.

Dapat ay 18 taong gulang ka na pataas para magamit ang Mga Serbisyo (maliban na lang kung iba ang nakasaad sa seksyong Mga Internasyonal na Tuntunin na nalalapat sa mga partikular na hurisdiksyon). Walang sinumang mas bata pa sa 18 taong gulang ang maaaring gumamit ng Mga Serbisyo, magbigay sa amin ng anumang Personal na Data (kung paano tinutukoy ang terminong ito sa Patakaran sa Privacy), o kaya ay magsumite ng Personal na Data sa pamamagitan ng Mga Serbisyo (hal., pangalan, address, numero ng telepono, o email address).

1.2 Iyong Account

Maaaring kailangan mong gumawa ng MyFitnessPal account para i-access ang Mga Serbisyo, at mahalaga na panatilihin mong tumpak at updated ang iyong account (lalo na ang iyong email address - kung sakaling malimutan mo ang iyong password, kadalasan, ang tanging paraan lang para ma-verify namin ang iyong pagkakakilanlan at matulungan kang makapag-log in ulit ay sa pamamagitan ng isang gumaganang email address).

Maaaring kailangan mong magparehistro para sa isang MyFitnessPal account para ma-access o magamit ang ilang partikular na Serbisyo. Maaari ka ring awtomatikong mabigyan ng iyong account ng access at paraan para magamit ang anumang bagong Serbisyo.

Kapag gagawa ka ng account para sa alinman sa aming Mga Serbisyo, dapat mo kaming bigyan ng tumpak at kumpletong impormasyon ayon sa hinihingi sa paggawa ng account at proseso ng pagpaparehistro, at kailangan mong panatilihing updated ang impormasyong iyon. Kung hindi, puwedeng hindi gumana nang tama ang ilan sa aming Mga Serbisyo, at posibleng hindi ka namin makontak kung may mahahalagang abiso.

Responsibilidad mong panatilihin ang pagiging kumpidensyal ng anuman at lahat ng aksyong magaganap habang ginagamit ang iyong account, at dapat mong abisuhan agad ang aming Team ng Suporta para sa anumang aktuwal o pinaghihinalaang pagkawala, pagnanakaw, o walang pahintulot na paggamit sa iyong account o password ng account. Wala kaming responsibilidad para sa anumang pagkawalang dulot ng walang pahintulot na paggamit sa iyong username at password.

Kung residente ka ng European Union: May karapatan kang i-delete ang iyong account sa amin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa aming Team ng Suporta. Kung pipiliin mong permanenteng i-delete ang iyong account, made-delete din ang hindi pampublikong Personal na Data na naiugnay namin sa iyong account.

1.3 Mga Update, Pagbabago, at Limitasyon sa Serbisyo

Tuloy-tuloy na umuunlad ang aming Mga Serbisyo. Sa paglulunsad ng mga bagong produkto, serbisyo, at feature, kailangan namin ng flexibility na gumawa ng mga pagbabago, magpatupad ng mga limitasyon, at paminsan-minsan ay magsuspinde o magwakas ng ilang partikular na Serbisyo. Puwede rin naming i-update ang aming Mga Serbisyo, na puwedeng hindi gumana nang maayos kung hindi mo ii-install ang mga update.

Madalas mabago ang Mga Serbisyo, at puwedeng mabago ang anyo at paggana ng mga ito nang walang paunang abiso sa iyo.

Maaari kaming magbigay ng mga update (kabilang ang mga awtomatikong update) para sa ilang partikular na Serbisyo kung sa tingin namin ay naaangkop. Maaaring kasama rito ang mga upgrade, modipikasyon, pag-aayos ng bug, patch, at iba pang pagtatama ng error at/o mga bagong feature (sama-samang tinatawag na “Mga Update”). May ilang partikular na bahagi ng aming Mga Serbisyo na maaaring hindi gumana nang maayos kung hindi mo ii-install ang lahat ng Update. Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na maaaring hindi gumana nang maayos ang Mga Serbisyo kung hindi mo papayagan ang mga naturang Update at hayagan mong pinapayagan ang mga awtomatikong Update. Sumasang-ayon ka rin na malalapat ang Mga Tuntunin sa anuman at sa lahat ng Update sa Mga Serbisyo (at anumang karagdagang modipikasyon sa nabanggit). Puwede naming baguhin, suspindihin, o ihinto ang alinman o ang lahat ng Serbisyo anumang oras, kabilang ang pagiging available ng anumang produkto, feature, database, o Content. Bilang karagdagan, wala kaming obligasyon na magbigay ng anumang Update o magpatuloy sa pagbibigay o mag-enable ng anumang partikular na feature o paggana ng anumang Serbisyo. Puwede rin kaming magpatupad ng mga limitasyon sa ilang partikular na Serbisyo o puwede rin naming paghigpitan ang iyong access sa ilan o lahat ng Serbisyo nang walang abiso o pananagutan.

1.4 Pagsubaybay at Pagsususpinde ng Serbisyo

Nakalaan sa amin ang karapatang tanggihan ang pagbibigay ng Mga Serbisyo sa sinuman, at puwede naming subaybayan, wakasan, o suspindihin ang iyong account o access sa Mga Serbisyo anumang oras.

Nakalaan sa amin ang karapatan, pero wala kaming obligasyon, na subaybayan ang anumang account at/o aktibidad na isinasagawa gamit ang o nauugnay sa Mga Serbisyo (kabilang ang pag-imbita sa mga kapwa-user sa isang komunidad o grupo), pati na ang paggamit o pag-access ng sinumang user sa Personal na Data, at mga profile ng iba pang user.

Puwede rin naming i-deactivate, wakasan, o suspindihin ang iyong account o access sa ilang partikular na Serbisyo anumang oras: (1) kung matutukoy namin sa sarili naming paghuhusga na lumabag o lumalabag ka sa Mga Tuntuning ito o sa diwa nito (ayon sa nakasaad sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad), (2) kung matutukoy namin sa sarili naming paghuhusga na nakapagdulot ka ng peligro o posibleng legal na peligro sa MyFitnessPal, sa pangkalahatang publiko, sinumang third party, o sinumang user ng aming Mga Serbisyo, (3) bilang tugon sa mga kahilingan ng tagapagpatupad ng batas o iba pang ahensya ng pamahalaan, (4) kapag ihihinto na ang paggamit o kapag may malaking pagbabago sa anumang Serbisyo, o (5) dahil sa mga hindi inaasahang teknikal na isyu o problema. Sisikapin naming abisuhan ka sa pamamagitan ng email o sa susunod na susubukan mong i-access ang iyong account pagkalipas ng anumang naturang pag-deactivate, pagwawakas, o pagsususpinde.

1.5 Seguridad

Pakipaalam sa amin agad kung naniniwala kang na-hack o nakompromiso ang iyong account.

Pinapahalagahan namin ang seguridad ng aming mga user. Bagama't nagsisikap kami nang husto para protektahan ang iyong Personal na Data, Content na Ginawa ng User, at account, hindi namin magagarantiya na hindi makakalusot sa aming mga hakbang panseguridad ang mga walang pahintulot na third party. Pakiabisuhan agad ang aming Team ng Suporta tungkol sa anumang aktuwal o pinaghihinalaang paglabag o hindi pinapahintulutang pag-access o paggamit sa iyong account.

2. Pagmamay-ari at Paggamit ng Content

2.1 Mga Kahulugan

Content ang tawag sa lumalabas sa app o sa website kapag ginamit mo ang aming Mga Serbisyo. Ang Content na Ginawa ng User ay anumang Content na ginawa mo o ng iba pang user, at ang Content ng MyFitnessPal ay ang lahat ng iba pang Content.

Para sa mga layunin ng Mga Tuntuning ito, (i) ang “Content” ay anumang anyo ng impormasyon, data, o malikhaing ekspresyon at kinabibilangan ito ng, pero hindi limitado sa, mga video, audio, litrato, larawan, guhit, animation, tool, text, ideya, komunikasyon, sagot, “pag-like,” komento, software, script, executable file, graphics, geo-data, workout at data ng workout, biometric data at data element na hinango rito, pagkain, o plano sa pagsasanay sa fitness, annotation, impormasyon sa nutrisyon, recipe, interactive na feature, disenyo, copyright, trademark, service mark, branding, logo, at iba pang katulad na asset, patent, tunog, application, at anumang intelektwal na pag-aari na nasa mga ito, kung saan ang alinman sa mga ito ay maaaring buuin, ibigay, o gawing accessible sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo; (ii) ang “Content na Ginawa ng User” ay anumang Content na isinusumite, tina-transfer, o kaya ay ibinibigay ng user sa o sa pamamagitan ng paggamit ng Mga Serbisyo; at (iii) ang “Content ng MyFitnessPal” ay ang lahat ng Content na hindi Content na Ginawa ng User.

2.2 Pagmamay-ari

Ikaw ang may-ari ng Content na ginawa mo, at kami ang may-ari ng Content na ginawa namin.

Pag-aari ng MyFitnessPal at/o mga partner nito o mga naaangkop na third party ang lahat ng Content ng MyFitnessPal at lahat ng copyright, trademark, karapatan sa disenyo, patent, at iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari (rehistrado o hindi) na nasa Mga Serbisyo. Mananatili sa bawat user ang pag-aari, responsibilidad, at/o iba pang nalalapat na karapatan sa ginawa niyang Content na Ginawa ng User, pero binibigyan niya ng lisensya ang MyFitnessPal para sa naturang Content na Ginawa ng User alinsunod sa ipinaliwanag sa Seksyon 2.5 sa ibaba. Mananatili sa MyFitnessPal at/o sa mga partner nito o mga third party ang pag-aari, responsibilidad, at/o iba pang nalalapat na karapatan sa lahat ng Content ng MyFitnessPal. Maliban na lang kung hayagang isasaad sa Mga Tuntunin, walang nagbibigay sa iyo ng karapatan o lisensyang gamitin ang anumang Content ng MyFitnessPal, kabilang ang anumang content na pag-aari o kontrolado ng aming mga partner o iba pang third party. Sumasang-ayon ka na hindi mo idu-duplicate, ipa-publish, ipapakita, ipapamahagi, babaguhin, o gagawan ng mga hinangong gawa ang mga materyal na ipinapakita sa pamamagitan ng Mga Serbisyo maliban na lang kung partikular kang binigyan ng awtorisasyon sa pamamagitan ng sulat.

2.3 Ang Aming Lisensya sa Iyo

Puwede mong i-access at gamitin ang Content at Mga Serbisyo ng MyFitnessPal. Nagsisikap kaming magbigay ng napakagandang karanasan sa aming mga user, kaya mangyaring igalang ang aming mga karapatan sa intelektwal na pag-aari at gamitin lang ang Content at Mga Serbisyo ng MyFitnessPal ayon sa inaasahan. Kabilang rito ang hindi paggamit ng anumang Content o Serbisyo ng MyFitnessPal para sa mga komersyal na layunin nang wala ang aming pahintulot. May mga API kami at iba pang tool na puwede mong magamit para makatulong sa iyo na makagawa ng mga sarili mong app at produkto. Makipag-ugnayan sa amin para malaman ang higit pa.

Depende sa pagsunod mo sa Mga Tuntuning ito, binibigyan ka namin ng limitado, nababawi, personal, hindi naililipat, at hindi eksklusibong karapatan at lisensya para i-access at gamitin ang Mga Serbisyo at Content ng MyFitnessPal para sa iyong sariling hindi pangkomersyal na paggamit, hangga't hindi mo isinasagawa (at hindi mo pinapayagan ang sinumang third party na isagawa) ang pagkopya, pagbabago, paggawa ng hinangong gawa, pag-reverse engineer, pagbebenta, pagtatalaga, pag-sublicense, pagbibigay ng panseguridad na interes, paglilipat, o komersyal na pananamantala sa anumang karapatan sa mga Content o Serbisyo ng MyFitnessPal.

2.4 Mga Alituntunin sa Katanggap-tanggap na Paggamit

  • 2.4.1 Content ng MyFitnessPal. Maliban na lang kung hayagang pinapayagan ng nalalapat na batas o kung pinapayagan ng MyFitnessPal, sumasang-ayon kang hindi baguhin, iparenta, ipaupa, ipahiram, ibenta, ipamahagi, o gawan ng mga hinangong gawa ang Mga Serbisyo, ang software ng Mga Serbisyo, o anumang Content ng MyFitnessPal na iniaalok bilang bahagi ng Mga Serbisyo (maliban sa Content na Ginawa ng User), bilang buo o bahagi ng kabuuan. Hindi ka maaaring mag-download, kumopya, o mag-save ng Content ng MyFitnessPal, maliban na lang kung (i) hayagang pinapahintulutan ng paggana ng ilang partikular na Serbisyo ayon sa pagkakasaad sa mga partikular na alituntunin at/o mga karagdagang tuntuning naaangkop sa Mga Serbisyong iyon, o (ii) para lang sa personal mong paggamit o para sa mga sarili mong record.

  • 2.4.2 Komersyal na Paggamit sa Mga Serbisyo. Para lang sa personal at hindi komersyal na paggamit ang Mga Serbisyo, maliban sa ilang partikular na produkto at serbisyong ibinibigay sa pamamagitan ng mga branded na website ng MyFitnessPal na ginagawa naming available bilang mga tool para sa mga may-ari ng website (sama-samang tinatawag na “Mga Komersyal na Tool”). Hindi mo puwedeng gamitin ang Mga Serbisyo (maliban sa ilang partikular na Komersyal na Tool) para magbenta ng produkto o serbisyo, palakihin ang trapiko sa sarili mong website o website ng third-party para sa mga komersyal na dahilan (gaya ng pag-advertise ng mga sale), o kaya ay magsagawa ng anumang aktibidad na may layuning kumita. Halimbawa, hindi mo puwedeng kunin ang mga resulta mula sa isang paghahanap ng Mga Serbisyo at i-reformat at ipakita ang mga iyon, o i-mirror ang aming mga home page o mga page ng mga resulta sa iyong website. Hindi ka rin puwedeng magsagawa ng “meta-search” ng aming Mga Serbisyo. Kung gusto mong gamitin ang Mga Serbisyo sa komersyal na paraan nang hindi ginagamit ang Mga Komersyal na Tool, dapat ka munang makipagkasundo sa amin. Para matuto pa tungkol sa Mga Komersyal na Tool, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Team ng Suporta. Sa pamamagitan ng paggamit sa alinman sa Mga Komersyal na Tool, kinikilala at sinasang-ayunan mo ang Mga Tuntunin at ang mga karagdagang tuntunin at kondisyong nalalapat sa mga piling Serbisyong iyon.

  • 2.4.3 Pag-link sa Mga Serbisyo. Kung gusto mong mag-link sa aming Mga Serbisyo sa iyong website o App, mangyaring sundin ang mga patakarang ito: (i) text lang dapat ang anumang link sa Mga Serbisyo at malinaw dapat itong minamarkahan ng “MyFitnessPal” (nang walang ginagamit na anupamang trademark, copyright ng logo, o iba pang asset ng intelektwal na pag-aari na pagmamay-ari o kontrolado ng MyFitnessPal) o sa iba pang format na idinirekta namin, (ii) ang hitsura, posisyon, at iba pang aspeto ng link ay hindi puwedeng makasira o makapagpahina sa kabutihang nauugnay sa aming mga marka, (iii) dapat “ituro” ng link ang root domain name ng Mga Serbisyo at hindi ang iba pang page na nasa Mga Serbisyo, (iv) ang hitsura, posisyon, at iba pang attribute ng link ay hindi maaaring magbigay ng maling impresyon na ang iyong organisasyon o entity ay sponsored ng, affiliated sa, o nauugnay sa MyFitnessPal, (v) kapag pinindot ang link, dapat nitong ipakita ang Serbisyo sa full-screen at hindi sa loob ng isang “frame” ng nagli-link na website o serbisyo, at (vi) nakalaan sa amin ang karapatan na bawiin ang pahintulot nito sa link aumang oras at sa sarili nitong paghuhusga, at kapag naabisuhan ka namin tungkol sa naturang pagbawi ng pahintulot, sumasang-ayon kang alisin agad ang nauugnay na link.

2.5 Ang Lisensya Mo sa Amin

Kapag nag-post ka ng Content kaugnay ng Mga Serbisyo, sa iyo iyon - gayunpaman, binibigyan mo kami ng pahintulot na gamitin ang Content na iyon kaugnay ng aming Mga Serbisyo at gawing available sa iba ang Content. Puwede naming i-edit o alisin ang iyong Content sa aming Mga Serbisyo anumang oras para sa anumang dahilan. Huwag mag-post ng anumang Content na hindi sa iyo o na wala kang pahintulot na i-post.

Kapag nagbigay ka ng Content na Ginawa ng User sa MyFitnessPal sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, binibigyan mo kami at ang aming mga user ng hindi eksklusibo, nababawi, walang royalty, malayang naililipat, nasa-sublicense, at pandaigdigang karapatan at lisensya para gamitin, i-host, i-store, i-cache, i-reproduce, i-publish, ipakita (sa publiko o sa iba pa), isagawa (sa publiko o sa iba pa), ipamahagi, i-transmit, baguhin, iangkop (kabilang nang walang limitasyon, para makasunod sa mga kinakailangan ng anumang network, device, serbisyo, o media kung saan available ang Mga Serbisyo), gawing komersyal, gawan ng mga hinangong gawa, at samantalahin ang naturang Content na Ginawa ng User kaugnay ng anuman at lahat ng Serbisyo. Kinikilala mo at sumasang-ayon ka sa mga sumusunod: (a) may karapatan kaming ayusin ang pag-post ng Content na Ginawa ng User sa paraang gusto namin; (b) wala kaming obligasyong bigyan ka ng anumang pagkilala sa paggamit ng iyong Content na Ginawa ng User, pero kung sakaling kikilalanin ka namin, ang laki at ang placement ng pagkilala ay nasa sarili naming pagpapasya; at (c) wala kang karapatan para sa anumang kompensasyon o iba pang paraan ng bayad mula sa amin kaugnay ng paggamit sa iyong Content na Ginawa ng User.

Ang mga karapatang ibinibigay mo sa lisensyang ito ay para sa mga limitadong layunin ng pagpapahintulot sa MyFitnessPal na gumana at bigyang-daan ang ibang user na magamit ang Mga Serbisyo alinsunod sa paggana ng mga ito, mapahusay ang Mga Serbisyo, at makabuo ng mga bagong Serbisyo. Sa kabila ng nasa itaas, hindi namin gagamitin ang alinman sa iyong Content na Ginawa ng User sa paraang hindi tugma sa aming Patakaran sa Privacy.

Nakalaan sa amin ang karapatang sumubaybay, mag-alis, o magbago ng Content na Ginawa ng User para sa anumang dahilan at sa anumang oras, kabilang ang Content na Ginawa ng User na pinapaniwalaan naming lumalabag sa Mga Tuntuning ito, sa Mga Alituntunin ng Komunidad, at/o sa aming mga patakaran.

Sumasang-ayon kang igagalang mo ang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba. Kinakatawan at ginagarantiya mong nasa iyo ang lahat ng kinakailangang karapatan para ibigay sa MyFitnessPal ang nabanggit na lisensya para sa lahat ng Content na Ginawa ng User na isinumite mo kaugnay ng Mga Serbisyo, at babayaran mo kami ng danyos para sa anumang paglabag sa representasyon at garantiyang ito.

2.6 Pagsasabi sa Iba

Kung magbabahagi ka sa amin ng Personal na Data ng iba, dapat mo munang hingiin ang kanyang pahintulot.

Sana ay nae-enjoy mo ang paggamit sa aming Mga Serbisyo at hinihikayat ka naming ibahagi sa mga kaibigan mo ang pagkahilig mo sa mga ito. Kung pinili mong gamitin ang feature sa aming Mga Serbisyo para sabihan ang isang kaibigan tungkol sa Mga Serbisyo, hihilingin namin sa iyo na ibigay sa amin ang email address o social media profile ng iyong kaibigan, na puwede naming gamitin para makipag-ugnayan sa iyong kaibigan tungkol sa Mga Serbisyo. Puwede naming i-store ang impormasyong ibinigay mo sa loob ng isang takdang panahon, pero hindi namin ipo-post sa publiko ang impormasyong ito. Kinakatawan at ginagarantiya mo na awtorisado kang ibigay ang anumang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng third-party na ibinibigay mo sa amin para sa mga referral, at babayaran mo kami ng danyos para sa anumang paglabag sa representasyon at garantiyang ito.

2.7 Pagpapanatili ng Content

Pakitandaan na kung gagawin mong available sa publiko ang isang bagay sa Internet, halos imposible nang alisin ang lahat ng kopya nito sa hinaharap.

Pagkatapos wakasan ang iyong account, o kung nag-alis ka ng anumang Content na Ginawa ng User sa Mga Serbisyo, puwede naming panatilihin ang iyong Content na Ginawa ng User sa loob ng isang takdang panahon na komersyal na makatuwiran para sa mga layunin ng pag-back up, pag-archive, o pag-audit, o kung kinakailangan o pinapahintulutan ng batas. Magagawa rin ng MyFitnessPal at ng mga user nito na mapanatili at patuloy na magamit, ma-store, maipakita, ma-reproduce, maibahagi, mabago, magawan ng hinangong gawa, maisagawa, at maipamahagi ang alinman sa iyong Content na Ginawa ng User na na-store o naibahagi sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Ibig sabihin, nagpapatuloy ang lisensya sa iyong Content na Binuo ng User kahit huminto ka na sa paggamit ng Mga Serbisyo. Kapag nag-post ka ng isang bagay sa publiko, puwedeng magkomento rito ang iba, na dahilan para maging bahagi ng social na usapan ang iyong Content. Para sa higit pang impormasyon, pakibasa ang aming Patakaran sa Privacy.

3. Mga Alituntunin ng Komunidad

3.1 Mga Interactive na Bahagi

Kadalasan, nagtataglay ang aming Mga Serbisyo ng mga feature na pangkomunidad. Kapag nag-post ka ng content gamit ang mga feature na ito, magiging pampubliko ang content na iyon. Maaari naming subaybayan ang aming mga feature na pangkomunidad, pero hindi palagi, at sa huli ay ikaw ang responsable para sa iyong mga interaksyon sa iba pang user. Mangyaring maging maingat at patas.

Maaaring ang ilan sa aming Mga Serbisyo ay may kasamang mga review, forum ng talakayan, page ng pag-uusap, blog,o iba pang interactive na bahagi o social feature na nagbibigay-daan sa iyo at sa ibang user na mag-post ng Content na Ginawa ng User at makipag-ugnayan sa isa't isa (“Mga Interactive na Bahagi”). Ikaw lang ang may responsibilidad sa paggamit mo ng Mga Interactive na Bahagi at para sa anumang pino-post mong Content na Ginawa ng User, kabilang na ang pag-transmit, katumpakan, at pagiging kumpleto ng Content na Ginawa ng User. Dahil madalas na pampubliko ang Mga Interactive na Bahagi, nauunawaan mo na puwedeng gawin at panatilihing pampubliko ang iyong Content na Ginawa ng User. Ibig sabihin, hindi ka dapat mag-post ng anumang Personal na Data sa isang Interactive na Bahagi kailanman.

May karapatan kami, pero wala kaming obligasyon, na subaybayan ang aming mga feature na pangkomunidad. Ikaw lang ang may responsibilidad para sa iyong mga interaksyon sa ibang user, online man o personal, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga komento, hamon, at malusog na kumpetisyon. Wala kaming responsibilidad o pananagutan para sa anumang pagkawala o pinsalang magreresulta sa anumang interaksyon sa iba pang user na gumamit ng aming Mga Serbisyo, mga indibidwal na nakilala mo sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo, o mga indibidwal na nakahanap sa iyo dahil sa Content na na-post sa Mga Serbisyo o sa pamamagitan ng mga ito. Walang obligasyong makisangkot at dini-disclaim ng MyFitnessPal ang lahat ng pananagutang nauugnay sa anumang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga user nito at inaabsuwelto mo ang MyFitnessPal sa lahat ng responsibilidad at pananagutang resulta ng o nauugnay sa naturang hindi pagkakasundo.

3.2 Mga Alituntunin ng Komunidad

Layunin ng aming Mga Serbisyo na maging isang ligtas at nagbibigay-suportang environment para tulungan kang maabot ang iyong mga layunin sa fitness at kalusugan. Hindi mo puwedeng gamitin ang aming mga serbisyo para mag-post ng mga hindi naaangkop na materyal, mang-harass ng mga tao, magpadala ng spam, lumabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari, o kumilos nang hindi tama. Maging rasonable at responsable.

Layunin ng aming Mga Serbisyo na gumawa ng isang ligtas at nagbibigay-suportang komunidad para sa lahat ng user. Para makapagpanatili ng isang ligtas at positibong environment, hinihingi namin sa lahat na sang-ayunan at sundin ang ilang partikular na patakaran (ang “Mga Alituntunin ng Komunidad”) kapag nagpo-post ng Content na Ginawa ng User at gumagamit ng Mga Serbisyo. Nakabatay ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad sa maraming halimbawa ng mga prinsipyo ng nalalapat na batas. Sa pamamagitan ng mga paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, maaari itong magdulot sa iyo ng mga kriminal na kaso at pananagutang sibil. Sa pamamagitan ng paggamit sa aming Mga Serbisyo, sumasang-ayon ka na hindi lalabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad ang iyong Content na Ginawa ng User at ang paggamit sa Mga Serbisyo, kabilang nang walang limitasyon ang Mga Interactive na Bahagi. Kung lalabag ka sa Mga Alituntunin ng Komunidad, nakalaan sa amin ang karapatang wakasan ang iyong access sa Mga Serbisyo.

  • Bawal ang Hindi Naaangkop na Content. Huwag mag-post ng Content na nagmamanman, nagbabanta, nananakit, nangha-harass, nang-aabuso, o nanghihiya ng ibang miyembro ng komunidad. Ipinagbabawal ang mga mapanlait na pagbanggit sa sex, kasarian, edad, timbang, uri ng katawan, kapansanan, etnisidad, relihiyon, o sekswal na oryentasyon, o pag-eendorso ng karahasan laban sa sinumang tao o grupo, kahit na pabiro. Kabilang rito ang paghahayag ng mga stereotype tungkol sa anumang grupo o komunidad. Huwag mag-post ng Content na mapanira, bastos, pornograpiko, mapanakit, mapoot, mapang-udyok, o nagtataguyod ng tahasang sekswal na materyal. Puwede kang hindi sumang-ayon sa isang mensahe, post, o paksa sa magalang na paraan, pero sana ay huwag atakihin ang ibang user sa pamamagitan ng pangungutya o pang-iinsulto sa kanila. Kung aatakihin ka ng ibang user, at gumanti ka, puwede ka ring mapailalim sa mga parehong kahihinatnan.

  • Bawal ang Hijacking, Trolling, o Flame-baiting. Kung sasali ka sa aming mga forum, mangyaring manatili sa paksa ng kasalukuyang thread, at mag-post ng mga bagong thread sa tamang forum. Maituturing na hijacking kung ililihis mo ang paksa ng isang thread. Kabilang rito ang mga post na nang-uudyok o naglalayong magpasimula ng kaguluhan.

  • Bawal ang Pag-promote ng Mga Hindi Ligtas na Paraan ng Pagpapapayat o Mga Problema sa Pagkain. Bawal ang paggamit sa Mga Serbisyo para i-promote, purihin, o makamit ang sobrang kaunting pagkain na mapanganib sa katawan. Huwag ka rin sanang mag-ambag sa mga sumusunod na uri ng Content, na puwedeng alisin nang walang abiso:

    • Content na may layuning mag-promote ng mga produkto o proseso na kontrobersyal o posibleng hindi ligtas, kabilang na ang mga supplement na hindi medikal na inirereseta.

    • Mga profile, grupo, mensahe, post, o komento sa wall na humihikayat sa anorexia, bulimia, o mga diyetang may napakababang calorie. Kabilang na rito ang mga positibong pagbanggit sa ana/mia, pagpupurga, o paggutom sa sarili.

    • Mga larawang may layuning purihin ang sobrang kapayatan.

  • Bawal Manakit ng Mga Menor de Edad. Huwag gamitin ang Mga Serbisyo sa paraang makakapanakit ng mga menor de edad (o sa kahit na sino).

  • Bawal ang Mga Pang-aabala, Pananamantala, o Pang-aabuso sa Resource. Huwag manghimasok o manira ng operasyon ng Mga Serbisyo, kabilang ang hindi awtorisadong paggamit, pang-aabala, mga naka-automate na atake, pananamantala, o pang-aabuso sa aming mga resource

  • Bawal Magpadala ng Spam at Junk Mail. Huwag mang-spam ng mga tao sa pamamagitan ng mga post, sagot, o mensahe.

  • Bawal ang Iligal na Content. Huwag itaguyod, i-promote, o tulungan ang anumang mapanloko o iligal na aksyon (hal., karahasan, pagpapanggap, at maling paggamit ng computer).

  • Bawal Humingi ng Personal na Data. Mangyaring huwag mag-post o humingi ng Personal na Data tungkol sa o mula sa sinumang third party, kabilang ang mga larawan, numero ng telepono, address ng kalye, apelyido, email address, at password sa Mga Interactive na Bahagi.

  • Bawal I-post sa Publiko ang Mga Pribadong Pag-uusap. Huwag i-post sa publiko ang isang email o pribadong mensahe mula sa sinumang user, moderator, o administrator.

  • Bawal Lumabag sa Legal na Tungkulin. Huwag mag-post ng Content na lalabag sa anumang kontraktwal o iba pang legal na tungkulin sa isang third party.

  • Bawal ang Mga Mapanlinlang o Mapanlokong Link. Huwag mag-post ng mga mapanlinlang o mapanlokong link. Kabilang rito ang mga link na may mga mapanlinlang na paglalarawan, paglalagay ng maling “source” field sa isang post, paglalagay ng mga mapanlinlang na click-through link sa mga larawan, o pag-embed ng mga link sa mga interstitial o pop-up ad.

  • Bawal ang Paglabag sa Intelektwal na Pag-aari. Igalang ang intelektwal na pag-aari ng iba. Kung hindi ka pinapayagang gamitin ang pinagmamay-ariang gawa o katangian ng isang tao (sa pamamagitan man ng lisensya o ng mga legal na eksepsyon at limitasyon gaya ng patas na paggamit), mangyaring huwag itong i-post. Sa partikular, kung mayroon kang anumang dahilan para maniwala na ang Content na Ginawa ng User na nakikita mo sa aming Mga Serbisyo ay lumalabag sa iyong intelektwal na pag-aari o intelektwal na pag-aari ng iba, pakibasa ang seksyong Intelektwal na Pag-aari/DMCA ng aming Mga Tuntunin.

  • Bawal Magpanggap Bilang MyFitnessPal o Iba Pa. Huwag mag-post ng Content na posibleng makapanloko ng iba o posibleng magamit para magpanggap bilang sinumang tao, o para magsinungaling tungkol sa iyong pagkakakilanlan o kaugnayan sa sinumang tao, kabilang ang MyFitnessPal. Ipinagbabawal ang paggawa ng account para manloko ng ibang user o para lusutan ang isang pagsususpinde, at gagamitin itong dahilan para permanenteng ma-ban sa Mga Serbisyo.

  • Bawal ang Naka-automate na Paggawa ng Query. Huwag magpadala ng anumang uri ng mga naka-automate na query sa mga system at network na ginagamit namin para maibigay ang Mga Serbisyo nang wala ang aming inihayag na pasulat na pahintulot.

  • Iba pa. Huwag mag-post ng anumang Content na naglalaman ng anumang bagay na sa sarili naming paghuhusga ay puwedeng ituring na hindi katanggap-tanggap o kaya ay pumipigil sa sinumang iba pa na magamit o ma-enjoy ang Mga Serbisyo, o puwedeng makapaglagay sa MyFitnessPal o sa aming mga user sa anumang panganib o pananagutan. Huwag mag-post ng content na puwedeng makasira o makasama sa kabutihang nauugnay sa MyFitnessPal o sa aming mga logo at marka.

Kung malalaman namin na lumalabag ka sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad o kaya ay lumabag ka sa aming Mga Tuntunin, puwede kaming umaksyon para tugunan ang isyu, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pagwawakas sa iyong karapatan na gamitin ang Mga Serbisyo, pag-aalis sa iyong Content na Ginawa ng User, pagsasagawa ng legal na aksyon laban sa iyo (sa ganitong pagkakataon, sumasang-ayon ka na puwede naming bawiin sa iyo ang mga makatuwirang gastos at bayarin sa abogado) o pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad na nagpapatupad ng batas. Nakalaan sa amin ang karapatang ipatupad, o hindi ipatupad, ang Mga Alituntunin ng Komunidad na ito sa sarili naming paghuhusga, at hindi gagawa ang mga ito ng anumang anyo ng tungkulin o kontraktwal na pananagutan para sa amin.

3.3 Pag-uulat sa Hindi Katanggap-tanggap na Content na Ginawa ng User

May mga taong nagpo-post ng hindi naaangkop na content sa mga site para sa content na ginawa ng user. Ginagawa namin ang aming makakaya para panatilihing ligtas at secure ang komunidad (nakakatulong ang mga user na gumagalang sa Mga Alituntunin ng Komunidad), pero puwede ka pa ring makakita ng hindi katanggap-tanggap na content bago pa namin ito maalis. Kung may makikita kang anumang hindi katanggap-tanggap, pakisabi ito sa amin.

Bagama't hinihingi namin sa lahat ng aming user na sumunod sila sa Mga Alituntunin ng Komunidad at nakalaan sa amin ang karapatang sumubaybay ng mga paglabag, sa huli ay hindi namin magagarantiya na ang lahat ng user ay susunod sa Mga Alituntunin ng Komunidad o sa Mga Tuntuning ito sa lahat ng pagkakataon. Kung naniniwala kang may anumang Content na naisumite sa aming Mga Serbisyo na lumalabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad, o kung may alam ko o kung naghihinala ka na may taong gumagamit sa iyong Content na Ginawa ng User sa maling paraan, pakiulat ito sa Team ng Suporta. May karapatan kami, pero wala kaming obligasyon, na suriin at aksyunan ang anumang Content na Ginawa ng User na iniulat mo. Nauunawaan at kinikilala mo na kapag nag-access o gumamit ka ng Mga Serbisyo, puwede kang makakita ng Content na Ginawa ng User na mula sa iba't ibang source, at hindi namin responsibilidad ang katumpakan, kapakinabangan, kaligtasan, legalidad, kaangkupan, o mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng naturang Content na Ginawa ng User o nauugnay rito.

Wala kaming responsibilidad o pananagutan para sa anumang injury o pinsala sa iyo na dulot ng hindi katanggap-tanggap na Content na Ginawa ng User o ang hindi pagsunod ng iba sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.

4. Intelektwal na Pag-aari/ DMCA

Iginagalang namin ang mga batas sa intelektwal na pag-aari. Kung may anumang mali, mangyaring magpadala ng email na naglalaman ng lahat ng detalye sa legal@myfitnesspal.com.

Kung naniniwala kang lumalabag ang Content na Ginawa ng User o ang Content ng MyFitnessPal sa copyright o trademark sa ilalim ng batas ng U.S. o iba pang pambansang batas, pakiabisuhan kami agad gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalagay rito. Patakaran namin na imbestigahan ang anumang alegasyon ng paglabag na ipapaalam sa amin. Pakibigay sa amin ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong abiso ng pinaghihinalaang paglabag:

  • Identipikasyon ng materyal na nilalabag.

  • Identipikasyon ng materyal na sinasabing lumalabag, kabilang ang lokasyon ntio, kasama ang sapat na detalye para mahanap namin ito at ma-verify namin ang pagkakaroon nito.

  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng nag-aabisong party (ang “Nag-aabisong Party”), kabilang ang pangalan, address, numero ng telepono, at email address.

  • Pahayag na may mabuting hangarin ang Nag-aabisong Party para maniwala na walang awtorisasyon ang materyal mula sa may-ari, sa agent nito, o sa batas.

  • Pahayag na napapailalim sa kaparusahan ng perjury na nagsasabing ang ibinigay na impormasyon sa abiso ay tumpak at awtorisado ang Nag-aabisong Party na magreklamo sa ngalan ng may-ari.

  • Isang aktwal o electronic na lagda ng taong awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari ng materyal na pinaghihinalaang nilalabag.

Dapat lagdaan ang iyong abiso (aktwal o electronic) at ganito dapat ang address nito:

MyFitnessPal, Inc.
100 Congress Avenue, Suite 400
Austin, TX 78701
Attn: DMCA Requests

Kinikilala mo na kapag hindi ka nakasunod sa lahat ng kinakailangan na nasa seksyong ito, hindi magiging valid ang iyong abiso. Ang ilang impormasyong nasa isang abiso ng paglabag ay maaaring ipasa sa user na nag-post ng pinaghihinalaang lumalabag na content. Sa U.S., sa ilalim ng Seksyon 512(f) ng DMCA, puwedeng managot ang sinumang tao na sadyang magsisinungaling nang matindi para sabihin na lumalabag ang isang materyal o aktibidad. Pakitingnan ang www.copyright.gov para sa higit pang impormasyon sa kung paano maghahanda o sasagot sa isang abiso ng DMCA at/o www.uspto.gov/trademark para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga karapatan sa trademark.

Puwedeng mag-link, makipag-ugnayan, o maging available sa mga serbisyo o produkto ng third-party ang aming Mga Serbisyo, gaya ng social media at mga device ng third-party. Kung ia-access mo ang mga naturang serbisyo o produkto ng third-party, tandaan na iba ang mga tuntunin at patakaran sa privacy na ilalapat sa paggamit mo sa mga naturang serbisyo.

5.1 Mga Social Networking at Pag-log In

Puwede mong i-enable ang Mga Serbisyo o puwede kang mag-log in sa mga ito gamit ang iba't ibang serbisyo ng third-party, gaya ng mga serbisyo sa social media at social networking gaya ng Facebook (“Mga Serbisyo sa Social Networking”). Para masulit ang mga ganitong feature at kakayahan, puwede naming hilingin sa iyo na mag-authenticate, magparehistro, o mag-log in sa Mga Serbisyo ng Social Networking sa mga website ng mga provider ng mga ito. Bilang bahagi ng integrasyong ito, bibigyan kami ng Mga Serbisyo sa Social Networking ng access sa ilang partikular na impormasyong ibinigay mo sa kanila, at gagamitin, iso-store, at ipapahayag namin ang naturang impormasyon alinsunod sa aming Patakaran sa Privacy. Pakitandaan na napapailalim lang sa mga patakaran ng mga Serbisyo ng Third Party ang paraan kung paano ginagamit, sino-store, at ipinapahayag ng mga naturang Serbisyo ng Third Party ang iyong impormasyon (kabilang ang Mga Serbisyo ng Social Networking), at wala kaming pananagutan o responsibilidad para sa mga kasanayan sa privacy o iba pang aksyon ng anumang website o serbisyo ng third-party na maaaring ma-enable sa aming Mga Serbisyo. Wala rin kaming responsibilidad para sa katumpakan, pagiging available, o pagiging maaasahan ng anumang impormasyon, content, produkto, data, opinyon, payo, o pahayag na ginawang available kaugnay ng Mga Serbisyo sa Social Networking. Dahil dito, wala kaming pananagutan para sa anumang pinsala o pagkawala na dulot ng o pinaghihinalaang dulot ng o nauugnay sa paggamit o pagdepende sa anumang naturang Serbisyo sa Social Networking.

5.2 Mga Application ng Third-Party

Puwede kang maka-access ng ilang partikular na link, application, content, serbisyo, promosyon, espesyal na alok, o iba pang event o aktibidad ng third-party (“Mga Application ng Third-Party”) sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo. Kung pipiliin mong i-access ang Mga Application ng Third-Party na ito, puwedeng hilingin sa iyo na mag-log in at mag-sync ng iyong mga account sa mga naturang application. Wala kang anumang obligasyon na gamitin ang anumang Application ng Third-Party, ikaw lang ang mananagot para sa pag-access at paggamit mo sa mga naturang application, at wala kaming pananagutan kaugnay nito. Wala rin kaming responsibilidad para sa katumpakan, pagiging available, o pagiging maaasahan ng anumang impormasyon, content, produkto, data, opinyon, payo, o pahayag na ginawang available ng anumang Application ng Third-Party. Dahil dito, wala kaming pananagutan para sa anumang pinsala o pagkawala na dulot ng o pinaghihinalaang dulot ng o nauugnay sa paggamit o pagdepende sa anumang naturang Application ng Third-Party.

5.3 Mga Produkto ng Third Party

Puwedeng ma-access ang aming Mga Serbisyo sa mga device o iba pang produkto ng third-party (“Mga Produkto ng Third Party”), at maaaring kailangan mong bumili ng Mga Produkto ng Third-Party (hal., mga fitness tracker, smart scale, atbp.) para magamit ang ilang partikular na feature ng Mga Serbisyo. Bagama't inirerekomenda, pino-promote, o mina-market namin ang mga produkto ng ilang partikular na partner, wala kaming responsibilidad sa pagkuha o paggamit mo ng alinman sa Mga Produkto ng Third-Party, at hindi namin ginagarantiya na gagana ang Mga Produkto ng Third-Party sa Mga Serbisyo o walang magiging error ang mga ito. Ibig sabihin, dini-disclaim namin ang pananagutan para sa lahat ng Produkto ng Third-Party, kabilang ang anumang Produkto ng Third-Party na iniaalok ng aming mga partner.

6. Mga Serbisyo sa Mobile

Bagama't nagsisikap kaming gawing available ang Mga Serbisyo sa maraming platform, hindi namin magagarantiya na magiging compatible ang App sa iyong device (pero mangyaring ipaalam sa Suporta sa Customer kung may tanong ka o problema; gusto naming makatulong). Kung gagamitin mo ang App, malalapat ang iyong mga karaniwang singil sa data at pagmemensahe, at malalapat din ang mga patakaran ng app store kung saan ka nag-download.

6.1 Mga Konsiderasyon sa Wireless Carrier at Device

Para magamit o ma-access ang aming App, kailangan mo ng compatible na device. Hindi namin magagarantiya na magiging compatible o available sa iyong device ang App. Hindi kami naniningil sa paggamit ng App. Gayunpaman, malalapat pa rin ang mga karaniwang rate at singil sa pagmemensahe, data, at iba pa na ipinapatupad ng kumpanya ng telepono mo. Puwede kang singilin para mag-access ng ilang partikular na espesyal na feature at content na kasama sa aming Mga Premium na Subscription (alinsunod sa inilalarawan sa Seksyon 7).

6.2 Lisensya ng Mobile Application

Binibigyan ka namin ng limitado, personal, hindi eksklusibo, hindi naililipat, hindi nasa-sublicense, at nababawing lisensya para magamit ang App na direktang na-download sa isang lehitimong marketplace, sa object code lang na format at para lang sa personal na paggamit para sa mga layuning naaayon sa batas. Kaugnay ng anumang open source o third-party code na maaaring nasa App, ang naturang open source code ay saklaw ng nalalapat na EULA ng lisensya ng open source o third-party, kung mayroon man, na nagbibigay ng pahintulot sa paggamit sa naturang code.

6.3 Mga App Store

Kung ida-download mo ang App mula sa isang app store ng third-party (ang “Provider ng App”), kinikilala mo at sumasang-ayon ka sa mga sumusunod:

  • Ang Mga Tuntunin ay kasunduan sa pagitan nating dalawa, at hindi sa Provider ng App. Para sa MyFitnessPal at Provider ng App, MyFitnessPal lang ang may responsibilidad para sa mga application nito;

  • Walang obligasyon ang Provider ng App na magbigay ng anumang serbisyo para sa maintenance at suporta kaugnay ng App;

  • Kung hindi makakatupad ang App sa anumang nalalapat na warranty, (i) puwede mong abisuhan ang Provider ng App at puwedeng i-refund sa iyo ng Provider ng App ang halaga ng pagbili sa App (kung naaangkop), (ii) hanggang sa sakop na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, wala nang iba pang magiging obligasyon sa warranty ang Provider ng App kaugnay ng App, at (iii) sa pagitan ng MyFitnessPal and Provider ng App, ang anumang iba pang habol, pagkawala, pananagutan, pinsala, gastos, o bayarin na maiuugnay sa anumang hindi pagsunod sa anumang warranty ay magiging responsibilidad ng MyFitnessPal;

  • Walang magiging responsibilidad ang Provider ng App sa pagtugon sa anumang habol na mayroon ka kaugnay ng App o sa pagkakaroon at paggamit mo ng App;

  • Kung may third party na magpapahayag na nilalabag ng App ang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng isa pang party, sa pagitan ng Provider ng App at MyFitnessPal, ang MyFitnessPal ang magiging responsable sa imbestigasyon, pagtatanggol, pakikipag-areglo, at paglutas sa anumang naturang pahayag sa abot na kinakailangan ng Mga Tuntuning ito;

  • Ang Provider ng App at ang mga subsidiary nito ay mga third-party na benepisyaryo ng Mga Tuntuning ito kaugnay ng lisensya mo sa App. Sa pagtanggap mo sa Mga Tuntuning ito, magkakaroon ang Provider ng App ng karapatan (at ituturing na tinanggap na niya ang karapatan) para ipatupad sa iyo bilang third-party na benepisyaryo rito ang Mga Tuntuning ito kaugnay ng iyong lisensya sa App; at

  • Dapat ka ring sumunod sa lahat ng naaangkop na tuntunin ng serbisyo ng third-party kapag ginagamit ang App.

7. Mga Bayad na Serbisyo

Kung pipiliin mong mag-subscribe sa alinman sa aming mga pinahusay at may bayad na serbisyo gaya ng aming Mga Premium na Subscription, ito ang mga ilalapat na tuntunin sa pagbabayad at pagsingil. Puwedeng awtomatikong ma-renew ang mga may bayad na serbisyo at pagsingil maliban na lang kung magkakansela ka. Puwede kang magkansela anumang oras.

7.1 Mga Tuntunin sa Pagbabayad

Nag-aalok kami ng ilang partikular na premium na bersyon ng Mga Serbisyo (hal., Mga Premium na Subscription) (ang “Mga Premium na Serbisyo”) nang may bayad. Sa pamamagitan ng pag-sign up at paggamit sa Mga Premium na Serbisyo, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin, at sa anumang karagdagang tuntunin at kondisyong narito. Sumasang-ayon ka rin na i-waive o isantabi ang iyong 14 na araw na karapatan sa pagbawi sa sandaling mag-subscribe ka sa Mga Premium na Serbisyo sa maximum na sakop na pinapayagan ng nalalapat na batas, para agad mong maa-access ang mga ito.

Binibigyan ka ng Mga Premium na Serbisyo ng access sa ilang partikular na pinahusay na content, feature, at paggana (hal., pagtatakda ng mga macro ayon sa gramo, isang ad-free na karanasan). Sa pamamagitan ng pag-sign up at paggamit sa Mga Premium na Serbisyo, kabilang na ang pag-sign up para sa Mga Libreng Trial ng Mga Premium na Serbisyo, sumasang-ayon kang bayaran ang anumang bayarin o iba pang maiipong singilin na nalalapat sa Mga Premium na Serbisyo (gaya ng mga tuloy-tuloy na bayarin sa subscription).

Kapag nag-sign up ka para sa Mga Premium na Serbisyo, dapat kang magtalaga at magbigay ng impormasyon tungkol sa gusto mong paraan ng pagbabayad (“Paraan ng Pagbabayad”). Kumpleto at tumpak dapat ang impormasyong ito, at responsibilidad mo itong panatilihing updated. Hayagan mo kaming pinapahintulutan na mangolekta ng mga naaangkop na bayad para sa Mga Premium na Serbisyo at para sa anumang iba pang pagbili na pinili mong gawin sa Mga Serbisyo sa pamamagitan ng awtomatikong debit o ACH mula sa iyong Paraan ng Pagbabayad.

Puwede mong piliing bayaran ang Mga Premium na Serbisyo kada buwan o kada taon. Maliban na lang kung iba ang nakasaad, puwedeng bayaran nang advance ang lahat ng bayarin para sa Mga Premium na Serbisyo, at awtomatiko itong sisingilin sa Paraan ng Pagbabayad sa simula ng buwanan o taunang period ng Premium na Serbisyo, ayon sa naaangkop. Maliban na lang kung iba ang nakasaad, awtomatikong mare-renew ang Mga Premium na Serbisyo hangga't hindi mo pinipiling kanselahin ang iyong access sa Mga Premium na Serbisyo. Pinal na at hindi nare-refund ang lahat ng pagbili sa Mga Premium na Serbisyo, maliban na lang sa sarili naming pagpapasya at alinsunod sa mga patakarang sumasaklaw sa bawat Premium na Serbisyo.

7.2 Pagwawakas o Pagkansela sa Mga Premium na Serbisyo

Kung hindi mo babayaran ang mga bayarin o singil na dapat bayaran dahil sa paggamit mo sa Mga Premium na Serbisyo, puwede kaming magsagawa ng mga makatuwirang hakbang para abisuhan ka at lutasin ang isyu; gayunpaman, nakalaan sa amin ang karapatan na i-disable o wakasan ang iyong access sa Mga Premium na Serbisyo (at puwede namin itong gawin nang walang abiso).

Puwede mong kanselahin ang Mga Premium na Serbisyo anumang oras. Makikita rito ang higit pang impormasyon tungkol sa kung paano magkakansela. Kapag nakansela mo na ang iyong Premium na Serbisyo at nakatanggap ka na ng kumpirmasyon, wala nang iba pang pagbabago ang puwedeng gawin sa iyong account. Ang pagkansela sa isang Premium na Serbisyo ay ilalapat sa katapusan ng kasalukuyan mong cycle ng pagsingil, at magkakaroon ka ng parehong antas ng access sa Premium na Serbisyo sa loob ng natitirang panahon ng naturang cycle ng pagsingil. Halimbawa, kung sinisingil ka kada buwan at nagkansela ka sa isang partikular na buwan, sisingilin ka para sa kabuuan ng buwang iyon at mananatili ang iyong access sa Premium na Serbisyo hanggang sa katapusan ng buwang iyon.

Walang magiging refund para sa pagwawakas o pagkansela sa iyong Premium na Serbisyo. Kung ayaw mo nang mag-subscribe sa isang Premium na Serbisyo, responsibilidad mong kanselahin ang iyong Premium na Serbisyo sa takdang panahon, aktibo mo mang ginagamit ang Premium na Serbisyo o hindi.

7.3 Mga Pagbabago ng Bayarin

Sa maximum na saklaw na pinapayagan ng mga nalalapat na batas, puwede naming baguhin ang aming mga presyo para sa Mga Premium na Serbisyo anumang oras. Magbibigay kami sa iyo ng makatuwirang abiso tungkol sa anumang ganoong pagbabago sa presyo sa pamamagitan ng pag-post ng mga bagong presyo sa o sa pamamagitan ng naaangkop na Premium na Serbisyo at/o sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyo ng notification sa email. Kung ayaw mong magbayad sa mga bagong presyo, puwede mong kanselahin ang naaangkop na Premium na Serbisyo bago mailapat ang pagbabago.

7.4 Diskwento, Coupon, o Mga Gift Code

Kung nakatanggap ka ng diskwento, coupon, o gift code sa isang Premium na Serbisyo, nalalapat ang mga sumusunod na tuntunin at kondisyon bukod pa sa mga tuntunin at kondisyon ng partikular na code. Para mag-redeem ng diskwento o coupon code, mag-log in sa MyFitnessPal at ilagay ang naaangkop na code para magamit ang nauugnay na promosyon. Puwede lang mailapat ang lahat ng code ng diskwento, gift code, at coupon code kapag nagsu-subscribe sa Mga Premium na Serbisyo, at sa mga account na hindi pa naka-subscribe sa Mga Premium na Serbisyo. Hindi maaaring isama ang mga code ng diskwento, coupon code, at gift code sa anumang iba pang sale, promosyon, o coupon, at hindi puwedeng ipagpalit, i-refund, palitan o i-redeem bilang cash o bayad sa mga account ang mga ito. Maaaring humingi ng paraan ng pagbabayad para ma-redeem ang isang code ng diskwento o coupon code. Sarili mong responsibilidad ang paggamit sa code ng diskwento, coupon code, o gift code bago ito mag-expire, at hindi mare-refund o mae-extend ang mga nag-expire na code. Responsibilidad mo ring wakasan ang Premium na Serbisyo bago matapos ang isang libre o may diskwentong period kung ayaw mong magpatuloy sa Premium na Serbisyo sa regular na presyo. Ang mga tuntunin at kondisyon ng isang partikular na code ng diskwento, coupon code, o gift code ay maaaring naglalaman ng mga karagdagang paghihigpit sa paggamit nito, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, uri ng plan, tagal ng libre o may diskwentong Premium na Serbisyo, mga petsa ng pagiging valid ng coupon, at/o dami ng pagbili. Nakalaan sa MyFitnessPal ang karapatang magkansela ng mga diskwento at promosyon ng coupon anumang oras.

7.5 Mga Libreng Trial

Minsan, nag-aalok kami ng mga libreng trial ng aming Mga Premium na Serbisyo o iba pang pampromosyong alok (tinatawag na “Libreng Trial” ang bawat isa). Binibigyan ka ng Libreng Trial ng access sa Mga Premium na Serbisyo sa loob ng isang takdang tagal ng panahon, kasama ang mga detalyeng nakasaad noong nag-sign up ka para sa alok.

Para makapag-sign up para sa isang Libreng Trial, maaaring kailangan mong ibigay sa amin ang gusto mong Paraan ng Pagbabayad. Kapag naisumite mo na ang mga detalye ng iyong pagbabayad, magsisimula na ang iyong Libreng Trial. Hindi ka sisingilin hangga't hindi natatapos ang Libreng Trial.

Maliban na lang kung magkakansela ka bago matapos ang Libreng Trial, o maliban na lang kung iba ang nakasaad, awtomatikong magpapatuloy ang iyong access sa Premium na Serbisyo at sisingilin ka ng mga naaangkop na bayarin para sa Premium na Serbisyo gamit ang ibinigay mong Paraan ng Pagbabayad. Pinal na at hindi nare-refund ang lahat ng maiipong singil, maliban na lang sa sarili naming pagpapasya at alinsunod sa mga patakarang sumasaklaw sa bawat Premium na Serbisyo. Puwede kaming magpadala sa iyo ng paalala na malapit nang matapos ang iyong Libreng Trial, pero hindi namin ginagarantiya ang anumang ganoong abiso. Sa huli, responsibilidad mong malaman kung kailan matatapos ang iyong Libreng Trial kung magpapasya ka na ayaw mong magbayad para sa Mga Premium na Serbisyo pagkatapos ng Libreng Trial.

Kung magpapasya ka na ayaw mong magbayad para sa Mga Premium na Serbisyo, dapat mong kanselahin ang iyong subscription bago matapos ang Libreng Trial. Depende sa naaangkop na Premium na Serbisyo, puwede kang mawalan ng access sa sandaling magkansela ka o sa katapusan ng Libreng Trial. Kapag nakansela mo na ang iyong Libreng Trial at nakatanggap ka na ng kumpirmasyon, hindi mo na maipagpapatuloy ang Libreng Trial kahit na hindi ito nagamit sa kabuuang tagal ng alok.

Puwedeng mabago ang mga feature at content ng Mga Premium na Serbisyo anumang oras, at hindi namin magagarantiya na magiging available sa kabuuan ng Libreng Trial ang anumang partikular na feature o content. Ang mga rate na ginamit noong nag-sign up ka para sa Libreng Trial ay magiging kapareho ng mga rate kapag nagwakas na ang Libreng Trial, maliban na lang kung iba ang iaabiso namin sa iyo. Nakalaan sa amin ang karapatan, sa ganap naming pagpapasya, na baguhin o wakasan ang anumang alok na Libreng Trial, access mo sa Mga Premium na Serbisyo habang nasa Libreng Trial, o alinman sa mga tuntuning ito nang walang abiso at walang pananagutan. Hindi ka puwedeng mag-sign up para sa mahigit sa isang Libreng Trial ng isang takdang Premium na Serbisyo nang sabay, at nakalaan sa amin ang karapatang limitahan ang kakayahan mong gumamit ng maraming Libreng Trial.

8. Mga Aktibidad para sa Fitness at Wellness at Gabay sa Diyeta

Mahalaga para sa amin na manatiling malusog ang mga user habang inaabot ang kanilang mga layunin sa fitness at wellness. Mangyaring maging responsable at maging matalino sa pagpapasya at gumamit ng common sense. Ibinibigay namin ang aming Mga Serbisyo para lang sa mga layunin ng pagbibigay ng impormasyon, at hindi kami puwedeng panagutin kung magkakaroon ka ng injury o makakaramdam ka ng kondisyon sa kalusugan. Sa partikular, bagama't kapaki-pakinabang ang karamihan sa mga content na pino-post ng iba pang user sa aming komunidad, nagmumula ito sa mga estranghero sa Internet at hindi ito dapat mangibabaw sa matalinong pagpapasya o aktwal na medikal na payo.

8.1 Unahin ang Kaligtasan

Mahalaga sa MyFitnessPal ang iyong kaligtasan. Dapat kang kumonsulta sa iyong (mga) provider ng pangangalagang pangkalusugan at dapat mong ikonsidera ang mga nauugnay na peligro bago gamitin ang aming Mga Serbisyo kaugnay ng anumang Content na may kinalaman sa fitness o wellness regimen o anumang Content na may kinalaman sa programa sa diyeta (“Mga Programa”). Sa pamamagitan ng paggamit sa aming Mga Serbisyo, sumasang-ayon ka, kinakatawan mo, at ginagarantiya mo na nakatanggap ka ng pahintulot mula sa iyong doktor na sumali sa Mga Programa, o alinman sa mga nauugnay na aktibidad na ginawang available sa iyo kaugnay ng Mga Serbisyo. Sumasang-ayon ka, kinakatawan mo, at ginagarantiya mo rin na kumonsulta ka muna sa iyong doktor bago ka nagpasyang isagawa ang anumang pagbabago sa diyeta batay sa impormasyong available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Iba-iba ang mga kondisyon at kakayahan ng bawat isa, at ikaw ang tanging mananagot para sa pagsali mo sa Mga Programa at iba pang aktibidad na pino-promote ng aming Mga Serbisyo. Kung pipiliin mong sumali sa Mga Programa at sa mga aktibidad na ito, pinili mo ito sa sarili mong pagpapasya at kusa, at alam mo at boluntaryo mong inaako ang lahat ng peligrong nauugnay sa mga naturang aktibidad. Ang Mga Programa at iba pang aktibidad na pino-promote sa Mga Serbisyo ay maaaring magdulot ng mga peligro maging sa mga taong malulusog.

Hayagan kang sumasang-ayon na ang iyong mga athletic na aktibidad, na puwedeng bumuo sa Content na Ginawa ng User na ipo-post o gusto mong i-post sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo (hal., mga workout exercise, atbp.) ay maaaring may kaakibat na ilang partikular na hindi maiiwasan at malalaking peligro sa pinsala sa ari-arian, injury sa katawan, o pagkamatay, at boluntaryo mong inaako ang lahat ng tukoy at hindi tukoy na peligrong nauugnay sa mga aktibidad na ito.

Maliban na lang kung iba ang nakasaad sa Mga Tuntuning ito, at sa maximum na sakop na pinapayagan ng nalalapat na batas, wala kaming responsibilidad o pananagutan, direkta man o hindi, para sa anumang injury, karamdaman, o pinsalang dulot ng paggamit, o hindi mo paggamit, ng anumang Serbisyo o mga feature ng Mga Serbisyo, kabilang ang anumang Content o aktibidad na na-access o natutunan mo sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo kahit na dulot ito, ganap man o hindi, ng aksyon, kawalan ng aksyon, o kapabayaan ng MyFitnessPal o ng iba pa.

8.2 Disclaimer Tungkol sa Katumpakan at Pagiging Maaasahan ng Content

Hindi kami nagbibigay ng mga representasyon o garantiya tungkol sa katumpakan, pagiging maaasahan, pagiging kumpleto, o pagiging napapanahon ng anumang Content na available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, at wala kaming responsibilidad na i-update ang naturang Content.

Bukod pa rito, hindi gawa ng MyFitnessPal ang Content na Ginawa ng User, kabilang ang mga payo, pahayag, o iba pang impormasyon, kabilang nang walang limitasyon ang gabay sa pagkain, nutrisyon, diyeta, gabay sa ehersisyo o training, mga athletic na aktibidad, at mga entry sa database ng ehersisyo, at hindi dapat asahan ang mga ito nang hindi sinusuri nang hiwalay. Ang Content na Ginawa ng User, ito man ay pampublikong na-post o pribadong na-transmit, ay tanging pananagutan ng user na pinagmulan ng Content na Ginawa ng User. Ang lahat ng impormasyon ay ibinibigay “bilang ganoon” nang walang anumang representasyon, garantiya, o kondisyon tungkol sa katumpakan o pagiging maaasahan ng mga ito.

Sa partikular, ang database ng pagkain ng MyFitnessPal (“Database ng Pagkain”) ay naglalaman ng kumbinasyon ng impormasyon sa nutrisyon na inilagay ng MyFitnessPal at mga miyembro ng MyFitnessPal. Ang sinumang user ng Mga Serbisyo ay puwedeng mag-ambag o mag-edit ng impormasyon sa nutrisyon na nasa Database ng Pagkain. Pakitandaan na ang impormasyon sa nutrisyon na nasa Database ng Pagkain ay hindi nasuri ng mga taong nagtataglay ng kinakailangang kaalaman para makapagbigay ng kumpleto, tumpak, o maaasahang impormasyon. (i) Hindi ginagarantiya ng MyFitnessPal ang katumpakan, pagiging kumpleto, o pagiging kapaki-pakinabang ng anumang impormasyon sa nutrisyon o mga sangkap na nasa Database ng Pagkain; at (ii) hindi rin nito ginagamit o ineendorso ang anumang naturang impormasyon sa nutrisyon, o inaako ang responsibilidad para sa katumpakan o pagiging maaasahan ng mga ito. Hanggang sa sakop na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, hindi kailanman magiging responsibilidad ng MyFitnessPal ang anumang pagkawala o pinsalang dulot ng pagtitiwala mo sa mga impormasyon sa nutrisyon. Ikaw lang ang mananagot sa pagtiyak na tumpak, kumpleto, at kapaki-pakinabang ang anumang impormasyon sa nutrisyon na nasa Database ng Pagkain.

Hindi lahat ng user na nagsasabing mga propesyonal silang trainer o lisensyadong dietician ay lisensyado sa lahat ng naaangkop na hurisdiksyon. Walang obligasyon at walang inaakong obligasyon ang MyFitnessPal sa pag-verify kung lisensyado talaga ang mga user na nagsasabing lisensyado silang trainer o dietician. Kung sinasabi mong lisensyado kang trainer o dietician, kinakatawan at ginagarantiya mo na talagang lisensyado ka para sa mga serbisyong ibinibigay mo sa hurisdiksyon kung saan mo iniaalok ang mga serbisyo. Dapat ding tandaan ng mga user na bagama't isang lisensyadong trainer ang user sa isang hurisdiksyon, hindi ibig sabihin na lisensyado na rin ang trainer na user sa ibang hurisdiksyon kung saan ina-access ng ibang user ang payo ng trainer na user. Kaugnay nito, ikaw lang ang mananagot sa pagtitiwala sa anumang payo na ibinibigay ng iba pang user. Hanggang sa sakop na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, hindi kailanman magiging responsibilidad o pananagutan ng MyFitnessPal ang anumang pagkawala o pinsalang dulot ng pagtitiwala mo sa mga impormasyon o payong ibinigay ng sinumang user.

8.3 Hindi Medikal na Payo

Para lang sa pagbibigay ng impormasyon ang anuman at ang lahat ng serbisyong ibinibigay ng, sa, at/o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo (kabilang ang, pero hindi limitado sa Content). Ang MyFitnessPal ay hindi isang medikal na propesyonal, at hindi nagbibigay ang MyFitnessPal ng mga medikal na serbisyo o medikal na payo. Walang anumang bahagi ng Mga Serbisyo ang ipagpapalagay na medikal na payo o diagnosis. Ang mga impormasyon at ulat na mabubuo namin ay hindi dapat tingnan bilang pamalit sa konsultasyon, ebaluwasyon, o panggagamot ng doktor, at hindi dapat asahan ang impormasyong ginawang available sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo kapag nagsasagawa ng mga medikal na desisyon, o para mag-diagnose o manggamot ng karamdaman o kondisyong pangkalusugan. ANG PAGGAMIT MO SA MGA SERBISYO AY HINDI BUBUO NG UGNAYAN SA PAGITAN NG DOKTOR AT PASYENTE PARA SA IYO AT SA MYFITNESSPAL.

Dapat kang humingi ng payo sa isang doktor o medikal na propesyonal kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa iyong kalusugan bago simulan ang anumang programa o plano sa diyeta, exercise regimen o anumang iba pang aktibidad o plano para sa fitness o wellness na puwedeng mabanggit, matalakay, o maialok sa ilalim ng Mga Serbisyo. Kung ginagamot ka para sa isang karamdaman o kondisyong pangkalusugan, kung umiinom ka ng inireresetang gamot, o kung sumusunod ka sa isang therapeutic na diyeta para lunasan ang isang sakit, dapat ka munang kumonsulta sa iyong doktor bago gamitin ang Mga Serbisyo. Kinakatawan mo sa amin (at ang pagkatawang ito ay nagaganap sa tuwing ginagamit mo ang Mga Serbisyo) na hindi mo ginagamit ang Mga Serbisyo o hindi ka sumasali sa anumang aktibidad na iniaalok ng Mga Serbisyo para lang humanap ng medikal na atensyon. Sumasang-ayon ka rin na bago gamitin ang Mga Serbisyo, kokonsulta ka muna sa iyong doktor, lalo na kung mataas ang peligro mo sa mga problemang dulot ng pag-eehersisyo o mga pagbabago sa iyong diyeta. Kung hindi tugma ang anumang impormasyong natanggap o nakuha mo sa paggamit sa Mga Serbisyo sa medikal na payo mula sa iyong doktor, dapat mong sundin ang payo ng iyong doktor.

Nagbibigay sa iyo ang Mga Premium na Serbisyo ng access sa ilang partikular na espesyalisadong Content—pag-coach at gabay sa mga fitness regimen at pagpaplano ng pagkain (“Mga Plano”). Ang Mga Plano ay hindi medikal o iba pang uri ng serbisyong pangkalusugan. Hindi nagsasagawa ang Mga Plano ng anumang diagnosis o panggagamot, at hindi nagbibigay ng payo ang mga ito, para sa anumang kondisyon sa diyeta o kalusugan. Ang Mga Plano ay hindi kapalit, o hindi alternatibo, sa diagnosis at panggagamot na mula sa propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan kapag may sakit o may kondisyon sa diyeta o kalusugan. Dapat kang magpa-diagnose, magpagamot, at humingi ng payo tungkol sa iyong sakit o kondisyon sa diyeta o kalusugan sa mga doktor na nagpa-practice ng medisina at iba pang lisensyadong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Ang mga paggamit mo ng Mga Plano ay hindi kailanman ituturing na ugnayan sa pagitan ng doktor at pasyente, at hindi ito ituturing na anumang uri ng tungkuling fiduciary. IKAW LANG ANG MAY PANANAGUTAN SA PAGGAMIT MO NG MGA PLANO.

8.4 Hindi Tipikal ang Mga Kuwento ng Tagumpay

Ang mga kuwento ng tagumpay na pino-post ng mga user o ng MyFitnessPal sa aming Mga Serbisyo ay hindi kumakatawan sa tipikal o maging sa tumpak na mga resultang nakukuha mula sa anumang partikular na aktibidad sa fitness o diyeta. Hanggang sa sakop na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, walang obligasyon at walang inaakong obligasyon ang MyFitnessPal kaugnay ng katumpakan, pagiging maaasahan, o bisa ng anumang aktibidad sa fitness o mga rekomendasyon sa diyeta na nasa alinman sa mga kuwento ng tagumpay ng user.

8.5 Katumpakan

Layunin ng Mga Serbisyo na makapagbigay sa iyo ng impormasyon para hikayatin kang suportahan ang iyong mga aktibidad sa wellness at fitness. Ang ilan sa Mga Serbisyo ay may layuning subaybayan ang iyong mga pisikal na galaw at aktibidad sa pagtulog (“Mga Serbisyo sa Pagsubaybay sa Aktibidad”). Umaasa itong Mga Serbisyo sa Pagsubaybay sa Aktibidad sa mga sensor at/o GPS functionality na sumusubaybay sa iyong galaw o sa iyong katawan habang nakapahinga ito. Layunin ng data at impormasyong ibinibigay ng Mga Serbisyo sa Pagsubaybay sa Aktibidad na irepresenta ang iyong aktibidad, pero posibleng hindi ito ganap na tumpak, lalo na pagdating sa data tungkol sa paghakbang, pagtulog, distansya, o calorie. Sa pamamagitan ng paggamit sa Mga Serbisyo sa Pagsubaybay sa Aktibidad, kinikilala mo at sumasang-ayon ka na walang responsibilidad o pananagutan ang MyFitnessPal para sa anumang kamalian sa naturang data.

Kung residente ka ng New Jersey o Netherlands:

Sa kabila ng anumang taliwas na nakasulat dito, walang anumang bagay sa Mga Tuntuning ito ang naglilimita o nagbibigay sa amin ng eksepsyon sa aming responsibilidad para sa mga pagkawala o pinsalang dulot ng panloloko, kawalan ng pag-iingat, matinding kapabayaan, o sinasadyang maling gawi ng mismong MyFitnessPal.

9. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin

Habang lumalago at humuhusay ang Mga Serbisyo, posibleng kailangan naming magsagawa ng mga pagbabago sa Mga Tuntuning ito.

9.1 Mga Update sa Mga Tuntuning ito

Nakalaan sa amin ang karapatang baguhin ang Mga Tuntuning ito sa pamamagitan ng (i) pag-post ng binagong Mga Tuntunin sa at/o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, at/o (ii) pagbibigay ng paunang abiso sa iyo tungkol sa mahahalagang pagbabago sa Mga Tuntunin, karaniwan ay sa pamamagitan ng email kapag posible, at kung hindi man ay sa pamamagitan ng Mga Serbisyo (gaya ng sa pamamagitan ng notification sa home page ng website ng MyFitnessPal o sa app). Hindi ilalapat nang retroactive (paatras) ang mga pagbabago maliban kung hinihingi ng batas.

Minsan, puwede naming hilingin sa iyo na basahin at hayagang sang-ayunan o tanggihan ang isang binagong bersyon ng Mga Tuntunin. Sa mga ganitong pagkakataon, ilalapat ang mga pagbabago kapag sumang-ayon ka na sa binagong bersyon ng Mga Tuntunin. Kung hindi ka sasang-ayon sa panahong iyon, hindi mo puwedeng gamitin ang Mga Serbisyo. Sa mga pagkakataong hindi ka namin hiningian ng hayagang pagsang-ayon sa binagong bersyon ng Mga Tuntunin, ilalapat ang binagong bersyon ng Mga Tuntunin sa petsang nakasaad sa Mga Tuntunin. Kung pipiliin mong magpanatili ng account, mag-access o gumamit ng Mga Serbisyo (gumawa ka man sa amin ng account o hindi) pagkatapos ng naturang petsa, nangangahulugan iyon ng pagtanggap mo sa mga tuntunin at kondisyon ng Mga Tuntunin ayon sa kung paano binago ang mga ito. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga pagbabago, hindi mo puwedeng gamitin ang Mga Serbisyo, at dapat mong ihinto ang paggamit sa mga ito.

10. Walang Warranty

MALIBAN NA LANG KUNG IPINAGBABAWAL NG BATAS, HAYAGANG DINI-DISCLAIM NG MYFITNESSPAL ANG LAHAT NG URI NG WARRANTY, REPRESENTASYON, AT GARANTIYA, PASALITA MAN O PASULAT, HAYAGAN, IPINAHIWATIG, STATUTORY O, IBA PA, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA IPINAHIWATIG NA WARRANTY TUNGKOL SA KAKAYAHANG MAIKALAKAL (MERCHANTABILITY), KAANGKUPAN SA ISANG PARTIKULAR NA GAMIT, AT HINDI PAGLABAG, HANGGANG SA SAKOP NA PINAPAHINTULUTAN SA ILALIM NG BATAS. ANG MGA SERBISYO AT ANG LAHAT NG CONTENT AY IBINIBIGAY “BILANG GANOON” AT “KUNG AVAILABLE,” KASAMA ANG LAHAT NG DEPEKTO. Nang hindi nililimitahan ang mga naunang ipinahayag, nauunawaan mo na sa maximum na sakop na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, hindi kami nagbibigay ng warranty tungkol sa kalidad, katumpakan, pagiging napapanahon, pagiging totoo, pagiging kumpleto, pagiging available, o pagiging maaasahan ng alinman sa Mga Serbisyo o alinmang Content. Hanggang sa maximum na sakop na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, hindi namin ginagarantiya na (i) matutugunan ng Mga Serbisyo ang mga pangangailangan mo o magbibigay ito ng mga partikular na resulta, (ii) tuloy-tuloy, walang virus o error, o walang iba pang mapanganib na elemento ang paggana ng Mga Serbisyo, o (iii) maitatama ang mga error. Ang anumang pasalita o pasulat na payong ibinigay ng aming mga agent ay hindi mangangahulugan at hindi kailanman mangangahulugan ng anumang warranty. Hanggang sa maximum na sakop na pinapayagan ng nalalapat na batas, hindi rin kami nagbibigay ng anumang uri ng mga representasyon o warranty kaugnay ng anumang Content; sa partikular, ang Content na Ginawa ng User ay ibinibigay ng mga user na nagbigay ng naturang Content, at sila lang ang may responsibilidad para doon. Walang payo o impormasyon, pasalita man o pasulat, na nakuha mula sa ibang user o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, ang gagawa ng anumang warranty na hindi hayagang isinaad dito. Ibig sabihin, hayagan mong kinikilala at sinasang-ayunan na ikaw lang ang mananagot para sa paggamit mo ng Mga Serbisyo pagdating sa kagandahan ng kalidad, performance, katumpakan, at dali ng paggamit.

11. Limitasyon ng Pananagutan

Binubuo namin ang pinakamahuhusay na Serbisyo para sa iyo, pero hindi namin maipapangakong magiging perpekto ang mga ito. Wala kaming pananagutan para sa iba't ibang bagay na puwedeng maging mali bilang resulta ng paggamit mo ng Mga Serbisyo.

Hanggang sa maximum na sakop na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, hindi kailanman mananagot sa iyo o sa sinumang third party (kabilang nang walang limitasyon ang kapabayaan) ang MyFitnessPal, ang mga subsidiary nito, mga partner, o anumang wireless carrier para sa (a) anumang uri ng danyos na hindi direkta, insidental, espesyal, pagtitiwala, huwaran, mapagparusa, o kinahinatnan; (b) kawalan ng tubo, kita, data, paggamit, kabutihan, o iba pang hindi nahahawakang pagkawala; (c) mga danyos na nauugnay sa iyong access, paggamit, o kawalan ng kakayahan sa paggamit ng Mga Serbisyo; (d) mga pinsalang nauugnay sa anumang gawi o Content ng sinumang third party o user ng Mga Serbisyo, kabilang nang walang limitasyon, content na mapanira, mapanakit, o iligal; at/o (e) mga pinsalang nauugnay sa anumang Content ng Third-Party o Produkto ng Third-party na na-access o nagamit sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Hanggang sa maximum na sakop na pinapayagan ng nalalapat na batas, nalalapat ang limitasyong ito sa lahat ng habol, nakabatay man ang mga ito sa warranty, kontrata, tort, o anumang iba pang legal na teorya, nasabihan man ang MyFitnessPal o hindi tungkol sa posibilidad ng naturang pinsala, at pati na kapag ang isang remedyong nakasaad dito ay napag-alamang nabigo sa pangunahin nitong layunin. Hanggang sa maximum na sakop na pinapayagan ng nalalapat na batas, ang kabuuang pananagutan ng MyFitnessPal, para sa anumang habol sa ilalim ng Mga Tuntuning ito, kabilang ang para sa anumang ipinahiwatig na warranty, ay limitado sa kung ano ang mas malaki sa limang daang dolyar (US $500.00) o halagang ibinayad mo sa amin para magamit ang (mga) naaangkop na Serbisyo sa nakalipas na labindalawang buwan.

Sa partikular, hanggang sa saklaw na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, wala kaming pananagutan para sa anumang habol na dulot ng (a) paggamit mo ng Mga Serbisyo, (b) paggamit, paghahayag, pagpapakita, o maintenance ng Personal na Data ng user, (c) anumang iba pang interaksyon sa amin o sinumang iba pang user ng Mga Serbisyo, kahit na napayuhan kami ng posibilidad ng mga naturang pinsala, o (d) iba pang Content, impormasyon, mga serbisyo, o mga produkto na natanggap sa o na-advertise sa Mga Serbisyo o natanggap sa pamamagitan ng anumang link na ibinigay sa Mga Serbisyo.

Hanggang sa sakop na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, kinikilala mo at sumasang-ayon ka na iniaalok namin ang Mga Serbisyo at itinatakda namin ang mga presyo ng Mga Serbisyo sa pagtitiwala sa mga warranty na disclaimer, mga release, at mga limitasyon ng pananagutan na nakatakda sa Mga Tuntunin, na ang mga naturang warranty na disclaimer, mga release, at mga limitasyon ng pananagutan ay nagpapakita ng makatuwiran at patas na alokasyon ng peligro sa pagitan natin at bumubuo ito ng isang esensyal na batayan ng kasunduan sa pagitan natin. Hindi namin maibibigay ang Mga Serbisyong ito sa isang ekonomikal na makatuwirang paraan kung wala ang mga naturang warranty na disclaimer, release, at limitasyon ng pananagutan.

Kung residente ka ng California: Isinasantabi mo ang iyong mga karapatan mula sa California Civil Code Section 1542, na nagsasabing “ang isang pangkalahatang release ay hindi sumasaklaw sa mga habol na hindi alam ng pinagkakautangan o hindi pinagsususpetsahan ng pinagkakautangan na magiging paborable sa kanya sa oras ng pagpapatupad ng release, na kung sakaling alam niya ay makakaapekto nang malaki sa kanyang pakikipag-areglo sa may utang.”

Kung residente ka ng New Jersey: Sa kabila ng anumang taliwas na nakasulat dito, walang anumang bagay sa Mga Tuntuning ito ang naglilimita o nagbibigay sa amin ng eksepsyon sa aming responsibilidad para sa mga pagkawala o pinsalang dulot ng panloloko, kawalan ng pag-iingat, matinding kapabayaan, o sinasadyang maling gawi ng mismong MyFitnessPal.

12. Pagbabayad ng Danyos

Kung residente ka ng Estados Unidos o kung nasaan ka mang lokasyon maliban sa France o Germany: Hanggang sa maximum na pinapayagan ng nalalapat na batas, sumasang-ayon kang bayaran ng danyos at ipawalang-sala ang MyFitnessPal, mga affiliate nito, at mga partner nito sa anumang habol o hinihingi, kabilang ang mga makatuwirang singil sa accounting at abogado, ng anumang third party dahil sa o dulot ng (a) Content na Ginawa ng User na na-access o naibahagi mo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo; (b) paggamit mo ng Mga Serbisyo, (c) mga aktibidad mo kaugnay ng Mga Serbisyo, (d) koneksyon mo sa Mga Serbisyo, (e) paglabag mo sa Mga Tuntuning ito, (f) paggamit o maling paggamit mo ng anumang Personal na Data ng user, (g) anumang paglabag mo sa mga karapatan ng sinumang iba pang tao o entity, o (h) paggamit mo ng Mga Serbisyo para personal na makipagkita sa ibang user. Nakalaan sa amin ang karapatan, sa gastos mo, na akuin ang eksklusibong pagdepensa at pagkontrol sa anumang usapin kung saan kailangan mo kaming bayaran ng danyos sa ilalim ng Mga Tuntuning ito, at sumasang-ayon kang makipagtulungan sa pagtatanggol namin sa mga habol na ito.

Kung residente ka ng France o Germany: Sa kabila ng naunang talata, sumasang-ayon kang bayaran ng danyos at ipawalang-sala ang MyFitnessPal, ang mga affiliate nito, at ang mga partner nito mula sa anumang habol o demanda bilang resulta ng kapabayaan o sinasadya mong gawi, kabilang ang mga makatuwirang bayarin sa accounting at abogado, ng anumang third party dahil sa o dulot ng (a) Content (kabilang ang Content na Ginawa ng User) na na-access mo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo; (b) paglabag mo sa Mga Tuntuning ito, (c) paggamit o maling paggamit mo ng anumang Personal na Data ng user, (d) anumang paglabag mo sa mga karapatan ng sinumang iba pang tao o entity, o (e) paggamit mo ng Mga Serbisyo para personal na makipagkita sa ibang user. Nakalaan sa amin ang karapatan, sa gastos mo, na akuin ang eksklusibong pagdepensa at pagkontrol sa anumang usapin kung saan kailangan mo kaming bayaran ng danyos sa ilalim ng Mga Tuntuning ito, at sumasang-ayon kang makipagtulungan sa pagtatanggol namin sa mga habol na ito.

Kung residente ka ng New Jersey: Sa kabila ng anumang taliwas na nakasulat dito, walang anumang bagay sa Mga Tuntuning ito ang nagbibigay ng obligasyon sa iyo na bayaran kami ng danyos mula sa mga habol na dulot ng panloloko, kawalan ng pag-iingat, matinding kapabayaan, o sinasadyang maling gawi ng mismong MyFitnessPal.

13. Sumasaklaw na Batas

Kung residente ka ng Estados Unidos o anumang iba pang lokasyon na wala sa European Union: Ang Mga Tuntuning ito ay sasaklawin ng at bibigyang-kahulugan alinsunod sa mga batas ng New York at kumokontrol na pederal na batas sa U.S. kung naaangkop, nang hindi ikinokonsidera ang mga prinsipyo nito sa salungatan ng batas.

Kung residente ka ng European Union: Ang Mga Tuntuning ito ay sasaklawin ng at bibigyang-kahulugan alinsunod sa mga batas ng Netherlands, nang hindi ikinokonsidera ang mga prinsipyo nito sa salungatan ng batas.

14. Mga Hindi Pagkakasundo at Arbitrasyon, Waiver sa Class Action, Hurisdiksyon at Venue

Kung residente ka ng Estados Unidos:

Kasunduan sa Arbitrasyon

SUMASANG-AYON KA AT ANG MYFITNESSPAL NA ISUMITE ANG ANUMAN AT ANG LAHAT NG HINDI PAGKAKASUNDO NA DULOT NG O NAUUGNAY SA SERBISYO (ISANG “HINDI PAGKAKASUNDO”) SA ISANG MABISANG ARBITRASYON. Hanggang sa maximum na sakop na pinapayagan ng nalalapat na batas, sumasang-ayon ka at ang MyFitnessPal na ang anumang hindi pagkakasundo na dulot ng o nauugnay sa paggamit mo ng Mga Serbisyo (isang “Hindi Pagkakasundo”) ay lulutasin sa pamamagitan ng may bisang arbitrasyon alinsunod sa Federal Arbitration Act (Title 9 ng United States Code), na sasaklaw sa interpretasyon at pagpapatupad sa kasunduan sa arbitrasyon na ito (“Kasunduan sa Arbitrasyon”). Sa arbitrasyon, lulutasin ang Mga Hindi Pagkakasundo ng isang walang pinapanigang arbitrator sa halip na isang hukom o jury, mas limitado ang pagtuklas o discovery kaysa sa korte, at napapailalim sa limitadong pagsusuri ng mga korte ang desisyon ng arbitrator. Puwedeng maggawad ang arbitrator, sa indibidwal na batayan, ng mga danyos at relief na gaya ng sa korte, kabilang ang mga salaping danyos, injunctive relief, at declaratory relief. Ang paghuhusga sa paggawad ng arbitrator ay maaaring ipasok sa anumang korteng may hurisdiksyon sa nabanggit. Sa indibidwal na batayan lang at hindi sa isang class, konsolidado, o representative na aksyon isasagawa ang mga pagdinig sa paglutas ng hindi pagkakasundo. Maliban na lang kung ipinagbabawal, sumasang-ayon tayong dalawa na mapailalim sa personal at eksklusibong arbitrasyon ng Mga Hindi Pagkakasundo na nauugnay sa pangkalahatan mong paggamit sa Mga Serbisyo sa ilalim ng Consumer Arbitration Rules ng American Arbitration Association. Pakibisita ang www.adr.org para sa higit pang impormasyon tungkol sa arbitrasyon.

Hanggang sa sakop na kinakailangan, ang anumang arbitrasyon sa pagitan nating dalawa ay isasagawa nang remote ayon sa nakasaad sa ibaba.

Sa Ingles isasagawa ang arbitrasyon. May itatalang isang independiyente at walang kinikilingang arbitrator ayon sa mga patakaran ng American Arbitration Association. Ang arbitrator ang magpapasya sa lahat ng isyung nauugnay sa kakayahang maipatupad, interpretasyon, sakop, at aplikasyon ng Kasunduan sa Arbitrasyon na ito (kabilang ang mga “gateway” na isyu tungkol sa pagiging karapat-dapat sa arbitrasyon, kung ang Kasunduan sa Arbitrasyon ba ay wala sa katuwiran o hindi tunay, at anumang depensa sa arbitrasyon), at ng Mga Tuntuning ito, maliban na lang na maaaring lutasin ng korte ang anumang tanong tungkol sa bisa o kakayahang maipatupad ng waiver sa class action na nakasaad sa Kasunduan sa Arbitrasyon na ito. Bibigyang-kahulugan sa malawak na paraan ang salitang "Hindi Pagkakasundo" at ang kinakailangan para sa arbitrasyon.

Pareho tayong sumasang-ayon na tumalima sa mga sumusunod na patakaran, na may layuning padaliin ang proseso ng paglutas sa hindi pagkakasundo at bawasan ang mga gastos at pasanin para sa lahat ng sangkot:

  • isasagawa ang arbitrasyon sa telepono, online at/o batay lang sa mga pasulat na pagsusumite, ang party na nagpasimula ng arbitrasyon ang siyang mamimili ng partikular na paraan;

  • hindi kakailanganin sa arbitrasyon ang personal na pagdalo ng mga party at saksi maliban na lang kung parehong pasulat na napagkasunduan ng mga party; at

  • ang anumang hatol sa gawad na ibinigay ng arbitrator ay maaaring ipasok sa anumang korte na may mabisang hurisdiksyon.

Maliban na lang sa mga ekstraordinaryong pangyayari, igagawad ng arbitrator ang kanyang desisyon sa loob ng 120 araw mula sa petsa noong itinalaga ang arbitrator. Puwedeng palawigin ng arbitrator ang ganitong limitasyon sa oras at dagdagan ito ng 30 araw sa ngalan ng hustisya. Sarado sa publiko at kumpidensyal ang lahat ng pagdinig sa arbitrasyon, at permanenteng seselyuhan ang lahat ng record na nauugnay rito, maliban na lang kung kailangan para makakuha ng kumpirmasyon ng korte sa paggawad ng arbitrasyon. Isusulat ang paggawad ng arbitrator at may kasama itong isang pahayag na naglalarawan sa mga dahilan ng disposisyon ng anumang habol.

Kinikilala at nauunawaan mo rin na, kaugnay ng anumang hindi pagkakasundo sa amin na dulot ng o nauugnay sa pagpili mong magpanatili ng account, magkaroon ng access, o gamitin ang aming Mga Serbisyo:

  • Isinasantabi mo na ang karapatan mong madinig ng jury;

  • Isinasantabi mo na ang karapatan mong magsilbing isang kinatawan, pribadong attorney general, o anumang iba pang kapasidad para sa representasyon, o sumali bilang miyembro ng isang class ng mga claimant, sa anumang demandang may kinalaman sa anumang naturang hindi pagkakasundo; at

  • Dapat kang maghain ng habol sa loob ng isang (1) taon pagkatapos lumabas ang ganoong claim, kung hindi ay habambuhay na itong ipagbabawal.

Ang pagbabayad ng lahat ng bayarin sa paghahain, administrasyon, at arbitrator ay mapapailalim sa mga patakaran ng American Arbitration Association. Magre-reimburse sa iyo ng halagang hanggang $5,000 ang MyFitnessPal para sa mga bayaring iyon, maliban na lang kung mapagdedesisyunan ng arbitrator na walang saysay ang mga habol mo. Gayundin, hindi hihingi ang MyFitnessPal ng mga bayarin sa abogado at mga gastusin sa arbitrasyon maliban na lang kung mapagdedesisyunan ng arbitrator na walang saysay ang mga habol mo.

SA KABILA NG ANUMANG TALIWAS SA KASUNDUAN SA ARBITRASYON NA ITO, PUWEDE MONG ITULOY ANG IYONG HABOL SA KORTE AT HINDI SA PAMAMAGITAN NG ARBITRASYON KUNG LALABAS KA SA KASUNDUAN SA ARBITRASYONG ITO SA LOOB NG 30 ARAW MULA SA MGA SUMUSUNOD NA PETSA, ALINMAN SA MGA ITO ANG MAUNA: (1) PETSA KUNG KAILAN MO TINANGGAP ANG MGA TUNTUNING ITO, O (2) PETSA KUNG KAILAN KA UNANG SUMANG-AYON O PUMAYAG SA ISANG KASUNDUAN SA MYFITNESS PAL NA NAGLALAMAN NG PROBISYON TUNGKOL SA ARBITRASYON. May postmark dapat ang abiso ng paglabas sa petsang hindi lalampas sa nalalapat na deadline at dapat itong i-email sa: legal@myfitnesspal.com. Nakalagay dapat sa abiso ng paglabas na hindi ka pumapayag sa Kasunduan sa Arbitrasyon na ito, at nakalagay dapat dito ang iyong pangalan, address, numero ng telepono, at email address. Ang proseso ito ang tanging paraan para makalabas ka sa Kasunduan sa Arbitrasyon na ito, at kung hindi mo ganap na masusunod ang prosesong ito at ang nalalapat na deadline, awtomatikong mawawalan ng bisa ang abiso sa paglabas. Kung lalabas ka sa probisyon ng arbitrasyon, patuloy na malalapat ang lahat ng iba pang bahagi ng Kasunduan sa Arbitrasyon na ito.

Kung mapag-alamang walang bisa ang probisyong ito sa arbitrasyon, ang lahat ng hindi pagkakasundong magaganap sa ilalim ng Mga Tuntuning ito sa pagitan natin ay mapapailalim sa mga pang-estado at pederal na korteng nasa New York, New York, at pumapayag tayo na mapailalim sa personal na hurisdiksyon at venue ng mga korteng ito. Sumasang-ayon Ka at ang MyFitnessPal na kung sakaling may Hindi Pagkakasundo na diringgin sa korte sa halip na arbitrasyon: (1) isinasantabi mo at ng MyFitnessPal ang anumang karapatan para sa paglilitis ng jury; (2) diringgin lang ang Hindi Pagkakasundo sa indibidwal, hindi class, at hindi representative na batayan; at (3) ikaw at ang MyFitnessPal ay hindi puwedeng maging representative ng class o miyembro ng class o sumali sa anumang class, representative, konsolidado, o pribadong pagdinig.

Ang kasunduang ito sa arbitrasyon ay hindi pipigil sa iyo o sa MyFitnessPal na humanap ng mga probisyonal na remedyo bilang pantulong sa arbitrasyon, kabilang nang walang limitasyon, para pansamantalang ihinto ang isang pagdinig sa korte, para magpatawag ng arbitrasyon, o magkumpirma ng paggawad sa arbitrasyon, mula sa isang korteng may mabisang hurisdiksyon. Ang kasunduang ito sa arbitrasyon ay hindi rin pipigil sa iyo o sa MyFitnessPal sa (i) pag-apply sa naaangkop na korteng may mabisang hurisdiksyon para sa isang temporary restraining order, preliminary injunction, o iba pang interim o conservatory relief, kung kailangan, o (ii) paghahanap ng relief sa anumang pang-estado o pederal na korte para sa mga hindi pagkakasundong nauugnay sa paglabag o posibeng paglabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng MyFitnessPal.

Kung residente ka ng European Union: Sa kabila ng anumang nasa Mga Tuntuning ito na taliwas, kung may hindi pagkakasundong hindi ninyo malutas ng MyFitnessPal, may karapatan kang magsumite ng reklamo sa http://ec.europa.eu/consumers/odr. Maliban sa mga nakasaad sa Mga Tuntuning ito, hindi kami sumasali sa anumang ADR scheme.

  • Bilang karagdagan, walang anuman bahagi sa Mga Tuntuning ito ang naglilimita sa iyong mga karapatan na maghain ng aksyon laban sa MyFitnessPal sa mga lokal na korte kung saan ka permanenteng nakatira. Ang lahat ng hindi pagkakasundo na lalabas sa ilalim ng Mga Tuntuning ito sa pagitan mo at ng MyFitnessPal ay mapapailalim sa hindi eksklusibong hurisdiksyon ng mga korte kung nasaan ka permanenteng nakatira, o sa mga korteng nasa Netherlands, at pumapayag tayo na sumailalim sa personal na hurisdiksyon at venue ng mga korteng ito.

Kung residente ka ng Finland: Sa kabila ng anumang nasa Mga Tuntuning ito na taliwas, kung may hindi pagkakasundong hindi ninyo malutas ng MyFitnessPal, may karapatan kang magsumite ng reklamo sa lokal na Consumer Disputes Board o iba pang katumbas na lupon.

Kung residente ka ng Denmark: Sa kabila ng anumang nasa Mga Tuntuning ito na taliwas, kung may hindi pagkakasundong hindi ninyo malutas ng MyFitnessPal, may karapatan kang magsumite ng reklamo sa Danish Competition and Consumer Authority (Konkurrence- og Forbrugerstyrelsen, Center for Klageløsning, Carl Jacobsens Vej 35, 2500 Valby, mail: cfk@kfst.dk).

Kung residente ka ng South Korea: Sa kabila ng anumang nasa Mga Tuntuning ito na taliwas, walang anumang bahagi sa Mga Tuntuning ito ang naglilimita sa iyong mga karapatan na maghain ng aksyon laban sa MyFitnessPal sa mga lokal na korte kung saan ka permanenteng nakatira.

15. Mga Internasyonal na Tuntunin

Kung hindi ka residente ng Estados Unidos at ina-access mo ang aming Mga Serbisyo sa labas ng Estados Unidos, pumapayag kang i-transfer ang ilang partikular na impormasyon sa labas ng iyong lokasyon papunta sa amin, at susundin mo ang lahat ng batas na nalalapat sa iyo.

Inilalaan namin ang aming Mga Serbisyo para sa pandaigdigang komunidad ng mga user. Gayunpaman, ang aming mga server at operasyon ay pangunahing matatagpuan sa Estados Unidos, at ang aming mga patakaran at proseso ay pangunahing nakabatay sa mga batas ng Estados Unidos. Dahil dito, nalalapat ang mga sumusunod na probisyon, partikular na sa mga user na nasa labas ng Estados Unidos: (i) pumapayag ka sa pag-transfer, pag-store, at pagpoproseso ng iyong impormasyon, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, Content na Ginawa ng User at anumang Personal na Data, papunta sa at sa loob ng Estados Unidos at/o iba pang bansa; (ii) kung ginagamit mo ang Mga Serbisyo mula sa isang lokasyong ine-embargo ng Estados Unidos, o lokasyong nasa listahan ng “Specially Designated Nationals” ng United States Treasury Department, hindi ka awtorisadong mag-access o gumamit ng Mga Serbisyo; at (iii) sumasang-ayon kang sumunod sa lahat ng lokal na batas, patakaran, at regulasyon, kabilang nang walang limitasyon, ang lahat ng batas, patakaran, at regulasyong ipinapatupad sa lokasyon kung saan ka nakatira at sa lokasyon kung saan mo ina-access ang Mga Serbisyo. Ang Mga Serbisyo ay hindi inilaan para sa distribusyon o paggamit ng sinumang tao o entity sa anumang hurisdiksyon o lokasyon kung saan ang naturang distribusyon o paggamit ay magiging labag sa batas o regulasyon, o kaya ay magiging dahilan para mapailalim ang MyFitnessPal o ang mga affiliate nito sa anumang kinakailangan sa pagpaparehistro sa naturang hurisdiksyon o lokasyon.

Nakabatay sa United Nations Terminology Database ang mga pangalang ginagamit para sa mga bansa o rehiyong nasa Mga Tuntuning ito, nasa Patakaran sa Privacy, at nasa anumang nauugnay na feature o dokumentasyon.

Kung residente ka ng European Union, Hong Kong (SAR ng China), Russia, New Zealand, o South Korea: Sa kabila ng anumang nasa Mga Tuntuning ito na taliwas, pakitandaan na may ilang partikular na hurisdiksyon kung saan ipinagbabawal ang waiver o paglilimita sa ilang partikular na warranty, pananagutan, o danyos sa ilalim ng mandatoryong batas, kaya puwedeng hindi nalalapat sa iyo ang ilan sa mga eksklusyon at limitasyong nasa Mga Tuntuning ito. Walang anumang bahagi sa Mga Tuntuning ito ang naglilimita o nagbubukod sa amin sa aming responsibilidad para sa (1) mga mapanlokong representasyong kami ang may gawa, (2) pagkamatay o personal na injury na dulot ng aming kapabayaan o sinasadyang maling gawi, o (3) hindi pagtupad sa anumang mahalagang kontraktwal na obligasyon.

Kung residente ka ng New Zealand: Sa kabila ng anumang nasa Mga Tuntuning ito na taliwas, walang anumang bahagi sa Mga Tuntuning ito ang naglilimita o nagbubukod sa pananagutan namin o sa mga karapatan mo kung isa kang consumer kaugnay ng Consumer Guarantees Act 1993, o ang Fair Trading Act 1986.

Kung residente ka ng Germany, France, Austria, o Finland: Sa kabila ng anumang nasa Mga Tuntuning ito na taliwas, ang mga pariralang “hanggang sa maximum na sakop na pinapahintulutan ng batas” at iba pang pariralang may kaparehong ibig sabihin ay ituturing na tinanggal sa Mga Tuntunin, nasaan man ito matatagpuan, at wala ito dapat bisa at epekto.

Kung residente ka ng Japan: Sa kabila ng anumang nasa Mga Tuntuning ito na taliwas, walang anumang bahagi sa Mga Tuntuning ito ang naglilimita o nagbubukod sa pananagutan namin o sa mga karapatan mo kung isa kang consumer kaugnay ng Consumer Contract Act.

Kung residente ka ng South Korea: Sa kabila ng anumang nasa Mga Tuntuning ito na taliwas, ang anumang pagbabago sa Mga Tuntuning ito ay iaanunsyo sa website bago ang petsa ng paglalapat dito; kung sakaling hindi mo hayagang maipaalam ang intensyon mong tanggihan ang naturang modipikasyon o pagbabago pagkalipas ng isang makatuwirang tagal ng panahon pagkatapos ng naturang anunsyo, ipagpapalagay na pumayag ka sa naturang modipikasyon o pagbabago.

16. Pagpapatuloy

Kung magwakas ang ugnayan natin o ang Mga Tuntuning ito, hindi nito malilimitahan ang alinman sa iba pa naming mga karapatan o remedyo, at ipagpapatuloy ang anumang probisyon ng Mga Tuntuning ito na dapat maipagpatuloy para sa wastong pagpapatupad sa intensyon at layunin ng Mga Tuntuning ito, kabilang nang walang limitasyon ang mga Seksyon 2 (Pagmamay-ari at Paggamit ng Content), 8 (Mga Aktibidad para sa Fitness at Wellness at Gabay sa Diyeta), 10 (Walang Warranty), 11 (Mga Limitasyon ng Pananagutan), 12 (Pagbabayad ng Danyos), 14 (Mga Hindi Pagkakasundo at Arbitrasyon, Hurisdiksyon at Venue), at 16 (Pagpapatuloy).

17. Miscellaneous

Sumasang-ayon ka na ang Mga Tuntuning ito o ang paggamit mo ng Mga Serbisyo ay hindi nagreresulta sa ugnayang joint venture, partnership, pantrabaho, o pang-ahensya sa pagitan nating dalawa. Binubuo ng Mga Tuntunin ang kabuuang kasunduan sa pagitan nating dalawa pagdating sa paggamit mo ng Mga Serbisyo.

Kung hindi namin magamit o mapatupad ang anumang karapatan o probisyon sa Mga Tuntunin, hindi ito nangangahulugan ng pagpapaubaya sa naturang karapatan o probisyon. Kung may anumang invalid na probisyon sa Mga Tuntunin ayon sa isang korteng may mabisang hurisdiksyon, sumasang-ayon ang mga party na dapat sikapin ng korte na maipatupad ang mga intensyon ng mga party ayon sa nakasaad sa probisyon, at mananatiling mabisa at epektibo ang lahat ng iba pang probisyon sa Mga Tuntunin.

Hindi mo puwedeng italaga, idelega, o kaya ay ilipat ang iyong account o ang iyong mga obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito nang wala ang pauna naming nakasulat na pahintulot. May karapatan kami, sa sarili naming paghuhusga, na ilipat o italaga ang lahat o ang bahagi ng aming mga karapatan sa ilalim ng Mga Tuntuning ito at magkakaroon kami ng karapatan para magtalaga o gumamit ng mga third-party na contractor para maisakatuparan ang aming mga tungkulin at obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito kaugnay ng Mga Serbisyo.

Sa ilalim ng Mga Tuntuning ito, katanggap-tanggap na pag-aabiso sa iyo ang mga abiso namin sa pamamagitan ng email, regular na mail, o mga ipinapakitang abiso o link kaugnay ng Mga Serbisyo. Hindi namin responsibilidad ang hindi mo pagtanggap sa abiso kung haharangan ng iyong email security system ang email (hal., “junk” o “spam” folder) o kung hindi mo na-update ang iyong email address. Ipagpapalagay na natanggap na ang abiso apatnapu't walong oras pagkatapos itong maipadala sa pamamagitan ng email o regular na mail. Kung sakaling ibibigay ang abiso sa pamamagitan ng mga ipinapakitang link kaugnay ng Mga Serbisyo, ipagpapalagay na natanggap na ito dalawampu't apat na oras pagkatapos ito unang maipakita.

18. Makipag-ugnayan sa Amin

Kung mayroon kang anumang feedback, tanong, o komento tungkol sa Mga Serbisyo, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Team ng Suporta ayon sa nakadetalye rito sa pamamagitan ng email o mail sa: MyFitnessPal, Inc., 100 Congress Avenue, Suite 400, Austin, TX 78701, at lagyan ito ng subject na “Attn: –MyFitnessPal Terms and Conditions of Use”. Pakitiyak na ilalagay mo ang buo mong pangalan, email address, postal address, at anumang mensahe sa anumang email o postal mail.