Maligayang pagdating sa MyFitnessPal

Maligayang pagdating sa MyFitnessPal! Gusto naming maramdaman ng mga miyembro namin na ito ay isang ligtas, madaling gamitin, mapagkalingang site para sa mga taong nakatuon sa mas magandang pamumuhay at mas malusog na buhay. May iba't iba kaming mga kategorya na maaari mong lahukan, mula sa pagbabahagi ng Mga Kwento ng Tagumpay, pagtatanong tungkol sa Pagkain at Nutrisyon hanggang sa Fitness at Pag-eehersisyo at marami pang iba.

Pakitandaan na pampubliko ang aming mga message board, at kapag ginawa mong available sa publiko sa Internet ang anumang bagay, magiging halos imposible na alisin ang lahat ng kopya sa hinaharap. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-aalis ng iyong mga post, mangyaring mag-click dito para sa higit pang impormasyon.

Itinatag namin ang mga sumusunod na pamatnubay na hinihiling naming sundin ng lahat ng aming miyembro. Matindi ang paniniwala namin na isinasapanganib ng mga post o aksyon na bumabalewala sa mga pamatnubay na ito ang mapagkalingang kapaligiran ng MyFitnessPal. Napapailalim sa Mga Pamatnubay ng Komunidad at aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ang paggamit sa MyFitnessPal.

Pangangasiwa at Pag-uulat ng mga Post

Pinapangasiwaan ng pangkat ng mga boluntaryo at ilang mga full-time na administrator ng site ang MyFitnessPal. Hindi namin sinusuri ang nilalaman habang pino-post, umaasa kami sa aming mga miyembro na tulungan kami para matukoy ang mga problema. Kung makakita ka ng isang post na sa palagay mo ay lumalabag sa aming mga pamatnubay, matutulungan mo kami sa pamamagitan ng pag-uulat ng post. Layunin naming matugunan ang mga ulat sa lalong madaling panahon; gayunpaman, aktwal na tao ang sumusuri sa bawat ulat, at maaaring mas tumagal ang ilan kaysa sa iba na magkaroon ng pagpapasya.

Grupo

Nagbibigay-daan ang Mga Grupo sa MyFitnessPal sa mga miyembro na may parehong interes na makipag-ugnayan nang hiwalay mula sa mga pampublikong message board. Pinangangasiwaan ng user ang mga grupo at maaari itong maging pribado, o nakikita ng ibang mga miyembro ng MyFitnessPal.

Dapat sumunod ang nilalaman ng grupo sa aming Mga Pamatnubay ng Komunidad pati na rin sa mga pamatnubay para sa ispesipikong grupo.

1. Maging Mabait

GAGAWIN KO:

Magiging magalang ako at uunawain ko na magkakaiba ang bawat tao. Bago ito sa ilang mga miyembro kaya't maging mabait sa mga bago.

Igagalang ko ang taong nasa kabilang screen.

Ibabahagi ko ang aking mga opinyon habang iginagalang rin ang mga pananaw at damdamin ng iba.

Papakinggan at tatanggapin ko ang ibang mga opinyon na maaaring hindi ako lagi sang-ayon.

Gagawin ko ang balewalain ang mga user.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako magiging bastos.

Hindi ako mang-aatake, manunuya, o mang-iinsulto ng ibang tao. Magagawa kong magalang na hindi sang-ayunan ang mensahe o paksa, pero hindi ko maaaring atakihin ang nagmensahe. Kasama rito ang mga pag-atake sa spelling o gawi ng pagsusulat ng Ingles ng isang miyembro, pangmamaliit sa isang miyembro dahil sa pag-post ng duplicate na pag-uusap, o pag-atake sa isang miyembro dahil sa pag-post sa matagal nang pag-uusap. (ibig sabihin, Lose un hindi loose, strong first post, hindi ba't na-post mo na ito ngayong araw na ito, atbp.) Hindi lahat ng miyembro ay may parehong antas ng edukasyon, kaya't iiwasan kong mamuna ng miyembro dahil sa hindi pag-angkop ng kanilang nilalaman sa paraan naaangkop sa isang university-level science paper.

Hindi ko pupunahin kong paano sinabi ang isang bagay; magpopokus ako sa kahulugan/mensahe.

2. Tratuhin ang ibang tao nang may dignidad, habag at paggalang.

GAGAWIN KO:

MAGPAPAKITA ako ng PAGGALANG.

Magpapakita ako ng kabaitan.

Igagalang ko na may zero-tolerance na patakaran sa mapoot na salita ang MyFitnessPal.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako magiging-bully.

Hindi ako mangmamaliit ng ibang tao.

Hindi ako gagawa ng anumang mapanuyang pagbanggit tungkol sa kasarian, uri, edad, timbang, uri ng pangangatawan, kapansanan, etnisidad, relihiyon, o sekswal na oryentasyon.

Hindi ako mang-i-stalk ng ibang miyembro. Kasama rito ang pag-stalk sa poster sa pamamagitan ng mga forum, pag-post tungkol sa mga nakaraang event na hindi maganda ang kinahinatnan, pagsisiwalat ng personal na impormasyon, o pagkakalat ng tsismis o mga usap-usapan.

Hindi ako mang-i-stereotype laban sa ibang mga miyembro.

Hindi ako magpo-post ng mga pag-uusap o komento na nag-uudyok ng rasismo, pagtatangi, poot o pisikal na makakapanakit sa anumang indibidwal o grupo.

Hindi ako magtataguyod ng karahasan laban sa sinumang tao o grupo, kahit na idaan pa ito sa biro.

Hindi ako magpo-post ng impormasyon sa publiko na maglalagay o lilikha ng panganib sa pagiging pribado o sa seguridad ng sinumang tao (ibig sabihin, sa pag-post ng impormasyon ng contact sa mga forum).

3. Walang Trolling

GAGAWIN KO:

Mananatili akong nasa paksa sa isang umiiral na pag-uusap.

Iuulat ko ang mga troll sa halip na sumali sa kanila.

Magalang akong mag-aambag at sa konstruktibong paraan sa isang pag-uusap, o magpatuloy nang hindi nagpo-post.

Babalewain ko ang mga user.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi akong mangto-troll.

Hindi ako magpi-flamebait.

Hindi ko hahamunin ang isang tao.

Hindi ko ipapapulis ang ibang miyembro.

Hindi ako makikisama sa mga troll.

Hindi ko ilalabas sa paksa ang isang pag-uusap, ito'y isinasaalang-alang na pag-hi jack.

4. Manatiling Classy (ibig namin sabihin ang iyong imahe)

GAGAWIN KO:

Ibabahagi ko ang mga larawan ko ng tagumpay at mga progreso.

Mananatili akong classy sa pamamagitan ng pagsusuot ng hapit na spandex sa halip na undies para ipakita ang aking progreso.

Magpo-post ako ng totoong mga larawan na may pahintulot akong gamitin.

Tatandaan ko na ito'y isang workplace friendly site. Kung hindi mo ibabahagi ang iyong larawan sa iyong boss o sa anak mo, mangyaring huwag i-post ito dito.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako magpo-post ng mapoot, marahas o graphic na imahe.

Hindi ako magpo-post ng kahubaran, pornograpiko, o mga NSFW na imahe.

Hindi ako magpo-post ng mga imahe na naglalaman ng kalapastanganan.

Hindi ako magpo-post ng mga imaheng pangpolitikal.

Hindi ako magpo-post ng mga larawan na nagpapakita ng sobrang cleavage (kung isusuot mo ito para sa trabaho, maaaring OK lang ito).

Hindi ako magpo-post ng mga larawan kung saan masyadong malapit ang mga kuha sa cleavage, puwit, dibdib o pundilyo sa anumang uri ng kasuotan.

Hindi ako magpo-post ng mga larawan kung saan mga kamay o bagay lang ang nakatakip sa katawan,

Hindi ako magpo-post ng mga larawan na nakasuot ako ng undies (panty, bra, lingerie, mga thong, g-string, o banana hammock).

5. Panatilihing Malinis (ibig namin sabihin ang iyong salita)

GAGAWIN KO:

Magiging magalang ako sa mga pinili kong salita; kasama rito ang mga username.

Tatandaan ko na ito'y isang workplace friendly site. Kung hindi mo gagamitin ang salitang yan sa harapan ng iyong boss, ina, o sa sinumang tao na nasa publiko, mangyaring huwag i-post ito rito.

Magpo-post ako ng mga medikal o klinikal na tema na may kaugnayan sa pakikipagtalik o sekswal na pangkalusugan sa tamang paraan.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako gagamit ng tahasan, sekswal, nakakainsulto o bulgar na salita o sekswal na pagpapahiwatig.

Hindi ako magiging malikhain para makaiwas sa mga profanity filter sa pamamagitan ng paggamit ng hindi alpabetong character para magpakita ng halos bulgar o iba pang hindi magandang salita.

Hindi ako magpo-post ng mga paksa na may intensyong manukso.

6. Pag-promote ng Mga Hindi Ligtas na Pamamaraan ng Pagbabawas ng Timbang o Eating Disorder

GAGAWIN KO:

Hahayaan kong magbahagi ang mga miyembro ng mga karanasan nang walang panghuhusga. Welcome sa MyFitnessPal ang mga taong naghahanap ng suporta sa kanilang pagpapagaling mula sa mga eating disorder. Makikita sa aming page na Mga Mapagkukunan para sa Eating Disorder ang lumalawak na listahan ng mapagkukunan ng suporta.

Uunawain ko na ang mga tao ay may problema sa pagkain.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ko gagamitin ang anumang aspeto ng aming serbisyo para itaguyod ang anorexia, bulimia o anumang mga hindi ligtas na gawi sa pagdidiyeta.

Hindi ko itataguyod ang mga diyetang masyadong mababa ang calorie.

Hindi ako magda-diagnose ng ibang mga miyembro.

Pakitandaan: Ang mga profile, grupo, mensahe, post, o mga komento sa wall na nanghihikayat ng anorexia, bulimia, o anumang uri ng diyeta na masyadong mababa ang calorie ay aalisin, at maaaring maging basehan para i-delete ang account. Kasama rito ang matutukoy na reference tungkol sa ana/mia, pagpupurga, o pagpapakagutom. Ang aming layunin ay magbigay sa mga user ng mga tool para makamit ang kanilang mga layunin sa pamamahala ng timbang sa maaayos at makakayang antas. Hindi pinahihintulutan ang paggamit ng site para i-promote, gawing kaakit-akit , o makamit ang hindi ligtas na mababang antas ng pagkain.

7. Mag-aadvertise o hindi mag-aadvertise? (Hindi sa advertise!)

GAGAWIN KO:

Uunawain ko na itinuturing na mga advertisement ang mga post na naglalaman ng mga link sa mga offsite blog post at social media.

Iuulat ko ang mga post na pinaniniwalaan ko na advertising.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako magpo-post ng anumang link o magbabanggit ng ibang mga serbisyo, website, o negosyo kung saan ang isang associate o ako ay maaaring magkapera o makinabang sa ibang paraan.

Hindi ako makikipag-ugnayan nang labas sa forum kung saan maaari akong makinabang, ibig sabihin, "i-message ako para sa higit pang impormasyon."

Hindi ako hihiling o manghihingi ng mga donasyon, kahit na paghingi ng mga kontribusyon para sa kawang-gawa.

Hindi ako magpo-post o hindi ko gagamitin ang serbisyo para mag-promote ng mga website na kakumpitensya ng MyFitnessPal.

Hindi ako tutugon sa mga advertiser.

8. Pagtiyak na nanatiling pribado ang mga pribadong impormasyon

GAGAWIN KO:

Itsetsek ko ang mga setting ng privacy ng aking profile.

Iuulat ko ang mga kahina-hinala o malisyosong mensahe sa Staff o Mga Moderator ng MyFitnessPal.

Iba-block ko ang mga user na nagpapadala ng mga hindi kanais-nais na mensahe.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako magpo-post sa publiko ng email, pribadong email o iba pang uri ng mensahe kahit kailan na galing sa sinumang iba pang user, moderator o staff na miyembro ng MyFitnessPal.

Hindi ako magpo-post ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono, email, mailing address, social media, chat o ID ng instant messenger, atbp. (ibig sabihin, mga username ng Facebook, Twitter, Instagram, Snapchat, WhatsApp, atbp.).

Hindi ko hihilingin sa ibang mga miyembro na i-post ang kanilang personal na contact na impormasyon.

9. Ikaw at ikaw lang

GAGAWIN KO:

Ipapaalam ko sa staff kung gusto kong baguhin ang aking username sa pangalawang pagkakataon.

Tatandaan ko na maaaring magresulta sa pagka-block sa mga serbisyo ng MyFitnessPal ang paglabag sa mga pamatnubay na ito.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako magpapanggap na ibang miyembro.

Hindi ako manggagaya, mang-i-stalk o magnanakaw ng identity ng ibang miyembro.

Hindi ako mang-aakit o manlilinlang ng ibang miyembro gamit ang isang pekeng account.

Hindi ako gagawa ng maraming account para manlinlang ng ibang miyembro, mga moderator o admin para mapatakbo ang isang forum ban.

10. Panatilihin itong ligal

GAGAWIN KO:

Tatandaan ko na ito'y isang pampublikong forum (ibig sabihin, maaaring hanapin sa Google search ng isang boss o kapamilya).

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako magpo-post ng mga mensahe na lumalabag sa pederal, estado/pang-probinsya, o mga lokal na batas na kinabibilangan ng, ngunit hindi limitado sa, anumang paglabag sa isang copyright, trademark, patent, trade secret o nasasaklawan ng NDA (kasunduan sa hindi pagsisiwalat).

Hindi ako magpo-post ng nilalalaman na tumutukoy sa mga iligal na aktibidad kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, paggamit ng mga iligal na substance, karahasan laban sa iba at ipinagbabawal ang pagkuha ng de-resetang gamot nang walang reseta. Hindi pinapayagan ang mga post tungkol sa marijuana na hindi pa pederal na pinapayagan sa USA, mga post tungkol sa steroids, at mga post tungkol sa mga substance na hindi ligal, na hindi pederal na pinayagan sa USA.

Hindi ako magpo-post ng mga larawan na naglalaman ng galit o marahas na imahe; hindi pinapayagan at tatanggalin ang paglalarawan ng mga iligal na aktibidad, o materyal na may copyright.

11. Pag-cross post

GAGAWIN KO:

Okay sa akin ang pag-post ng isang pag-uusap na dati nang naitanong ng ibang miyembro (cool ito, maaaring makakuha ako ng ibang mga sagot).

Iuulat ko ang duplicate na mga pag-uusap at hindi ko direkta at isasapubliko ang pagtawag pansin kung nagawa ng isang miyembro ang pagkakamaling ito.

Ipapaalam ko ang aking pag-uusap kung gusto ko itong i-edit, ilipat o i-delete.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ko ipo-post ang aking pag-uusap sa iba't ibang bahagi ng site. Isang uri ng spam ang pag-post ng parehong mensahe sa iba't ibang kategorya o grupo.

Hindi ko papayuhan ang mga tao na pumunta sa Google answers.

12. Mas maayos ang pagkakahati-hati ng mga paksa kung nakagrupo.

GAGAWIN KO:

Gagamit ako ng mga paggugrupo para i-post ang iba't ibang paksa.

Ipagmamalaki ko ang aking pagkakaiba at igagalang ko ang pagkakaiba ng ating komunidad sa buong mundo.

Iiisipin ko kung ang aking pag-uusap ay may kaugnayan lang sa isang partikular na grupo, halimbawa, ispesipiko sa pangrelihiyon o pangpolitika na pananaw, at i-post ang nilalaman na iyon sa naaangkop na grupo.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako magpo-post ng paksa sa mga pangunahing forum na maaaring maging sanhi ng pagtatalo.

Hindi ako magbubukod ng anumang grupo kapag nagpo-post sa pangunahing mga forum.

Hindi ako magpo-post sa pangunahing mga forum tungkol sa pulitika.

13. Paglahok

GAGAWIN KO:

Gagamitin ko ang mga reaksyon para lumahok nang positibo.

Angkop kong mag-flag ng nilalaman.

Gagamit ako ng @ pagbanggit ng miyembro para magbahagi ng isang bagay na kanais-nais.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ko gagamitin ang spam o aabusuhin ang mga flag dahil lang sa hindi ko gusto ang isang tao.

Gagamitin ko nang tama ang spam at hindi ko aabusuhin ang mga flag.

Hindi ko gagamitin ang mga reaksyon sa nakakapanakit na paraan.

Hindi ko gagamitin ang mga pagbanggit (@) para kuhanin ang pansin ng ibang miyembro sa negatibong paraan.

14. Pag-post sa tagalog sa pangunahing mga forum

GAGAWIN KO:

Magpo-post ako sa tagalog sa tagalog na mga forum.

Titingnan ko ang ibang forum ng MyFitnessPal kung gusto kong mag-post gamit ang ibang wika.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako magpo-post gamit ang ibang wika maliban sa tagalog.

15. Hindi paksa para sa pampublikong pag-uusap ang pangangasiwa sa forum

GAGAWIN KO:

Pahahalagahan ko ang ating mga boluntaryong moderator na tumutulong na panatilihing ligtas at kawili-wiling lugar ang komunidad na ito.

Padadalhan ko ng pribadong mensahe ang isang moderator o miyembro ng staff kung may alalahanin ako tungkol sa babala o pangangasiwa sa forum.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ko pampublikong tututulan ang aksyon ng isang moderator o miyembro ng staff.

Hindi ko kailanman pagbabantaan ang mga moderator o miyembro ng staff at nauunawaan ko na magreresulta ito sa kaagad na pagka-ban sa site (Tao rin kami).

16. Hahantong sa pandisiplinang aksyon ang paglabag sa mga pamatnubay ng komunidad (Huwag maging ang taong iyon)

GAGAWIN KO:

Maglalaan ako ng oras para basahin at unawain ang mga pamatnubay na ito.

Magiging magalang na miyembro ako ng komunidad.

Tatanggapin ko ang mga pamatnubay na ito na umaaplay sa akin (at sa lahat ng aking kaibigan).

Magkakaroon ako ng self-awareness na maunawaan kung maaaring hindi ito tamang komunidad para sa akin.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako gagawa ng iba't ibang account para takasan ang parusa o iwasan ang mga restriksyon.

Pakitandaan na inirereserba namin ang karapatan na i-delete o i-lock ang mga post at pag-uusap, i-disable ang mga pribilehiyong pag-post ng sinumang miyembro, o tanggihan ang sinuman sa paggamit ng aming site anumang oras, para sa anumang dahilan, sa aming pagpapasya nang walang babala o paunawa. Inirereserba namin ang karapatan na i-dismiss ang iniulat na post kapag napag-alaman namin na wala itong nilabag na pamatnubay.

Grupo

GAGAWIN KO:

Itataguyod ko ang mga pamatnubay sa lahat ng grupo.

Magiging responsable ako sa pangangasiwa sa aking grupo.

Iuulat ko ang mga problema ng grupo sa moderator ng grupo.

Gagawin kong pribado ang aking grupo kung naglalaman ito ng para sa nasa-hustong edad.

Hinay-hinay akong mag-iimbita ng mga bagong miyembro para sa sumali sa grupo.

HINDI KO GAGAWIN:

Hindi ako lalahok sa mga grupo na walang kaugnayan sa akin.

Hindi ako manliligalig o mangto-troll ng mga grupo na naiiba ang mga opinyon sa akin.

Hindi ako mang-i-spam ng mga forum gamit ang maramihang pag-imbita.


Mahalaga na nauunawaan at sinasang-ayunan ng lahat ng nasa komunidad ang mga pamatnubay na ito para mapangalagaan namin ang isang kawili-wili at mapagkalingang komunidad. Alam namin na isa itong natatanging lugar. Hindi mo maaaring sabihin ang kahit anong gusto mo rito, kahit na mali pa ang isang tao. Binibigyan-diin namin na isaalang-alang mo ang epekto mo sa ibang tao at sa aming komunidad kapag nagpo-post ka. Hindi ito para sa istilo ng lahat, at hindi ito ang tamang komunidad para sa lahat ng tao. Paminsan-minsan, mag-aalis kami ng miyembro sa komunidad dahil hindi ito naaangkop. Pakibasa ang seksyon sa ibaba para sa mga detalye kung paano gumagana ang aming sistema para sa pagbababala at pag-post.

Mga Babala at Point System para sa Mga Iniulat na Post

Napapailalim ang mga pamatnubay na ito sa pagbabago.

Salamat sa iyong kooperasyon, at sana'y nai-enjoy mo ang site!

Kung nakarating ka hanggang dito, na win mo ang internet. #winning